Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Sino Ako? (Sanaysay)



Isang halimbawa ng di-pormal na sanaysay tungkol sa sarili.

Ang Aking ina, ama, kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay aking nakasama sa luob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ng aking pamilya, ganuon din naman ang aking mga kaibigan. Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kinakain. Ganuon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino talaga ako, bilang ako?

Ako, isang simpleng tao. Gaya ng iba mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na walang katapusan. Kapag mayroon na akong mga ninanais na bagay na aking nakamit ay mayroon na namang bagong pangarap na uusbong sa aking puso at isip. Maiksi lamang ang buhay at walang sandali ang dapat sayangin.

Ako, sa aking pagkakakilala sa aking sarili, ay isang tao na hinding hindi titigil sa isang bagay na aking nasimulan. Sa paaralan, tahanan, sa trabaho, o saan mang lugar ako mapunta ay hinding -hindi ako mag-iiwan ng isang bagay na aking sinimulan na hindi natatapos.

Pagdating naman sa aming tahanan, kasama na sa aking pamilya ay tunay kong maipagmamalaki ang tunay na ako. Maasahan ako sa mga gawaing bahay na hindi na kinakailangan pang utusan upang kumilos. Sa mga suliraning pampamilya naman ay mayroon na akong parte na buong puso kong ginagampanan upang malampasan ang mga problemang iyon sa tulong ng iba pang miyembro ng aking pamilya.

Pagdating sa ibang tao, sino nga ba ako? Ako, bilang isang kaibigan, sa tingin ko ay sapat na ang tunay na ako, upang matawag na isang mabuting kaibigan. Masaya sa oras ng tawanan, at malungkot naman sa mga panahong may suliranin ang isa sa aking mga kasama. Marami na akong nakasama at nakasalamuhang iba't ibang uri ng mga tao, ngunit walang nagtatagal sapagkat sa lahat ng ayoko ay iyong mga taong may dalawang mukha o yung mga tinatawag nilang "plastic". Ako kaya kong sumayaw at sumabay sa lahat ng uri ng tugtugin, upang makisama. Kaya kong baguhin ang ang ilan sa mga bagay na aking nakaugalian upang magustuhan ng iba. Hindi ko nais na maraming makikisama sa akin ngunit balatkayo naman ang aking pinapakita. Ang nais ko'y tanggapin ako sa paraan ng kung sino talaga ako. Hindi na baleng ilan lamang ang aking mga nakakasama,  nakatitiyak naman akong tunay ang mga ito. Nariyan rin ang aking mga pamilya na alam kong hinding-hindi tatalikod sa akin.

Sabi nila walang ibang nakakakilala sa atin ng lubusan kundi ang ating sarili lamang. Ako kilala ko kung sino si " Ako" at kung ano ang tunay na"Ako". Ikaw kilala mo ba kung sino si "Ikaw"at kung ano ang tunay na"Ikaw" .


This post first appeared on Buklat, please read the originial post: here

Share the post

Sino Ako? (Sanaysay)

×

Subscribe to Buklat

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×