Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Sayang Talaga Tayo

Sayang talaga tayo
Ang bilis matapos ng ating kwento
Tatlong buwan lang nakasama
Ngayo'y tapos at wala na

Akala ko talaga ay ikaw na
Ang makakatuluyan at makakasama
Napakasaya at puno ng pag-asa
Subalit isa ka lang palang pantasya

Di ko alam kung ako ang may kasalanan
Ng ating saglit na pagsasamahan
Di rin naman kasi kita masisisi
Ako lang marahil ay makasarili

Siguro nga totoo ang sabi nila
Na wag pumorma sa kahihiwalay lang
Dahil malaki ang tsansa
Na ika'y masasaktan lamang

Wala akong pinagsisisihan
Kahit lumipas na ang anim na buwan
Kasi kahit papaano'y hinayaan mo ko
Na makilala ang isang tulad mo

Kung nasan ka man ngayon
Pinapanalangin ko na ika'y sumaya
Kahit di ko man natupad ang pangarap ko
Ang mahalaga'y natupad ang sa iyo

Mag-iingat ka sana palagi
Ayokong isipin mong ikaw ang may mali
Marahil ang laan sa akin, ay sa akin
At ang laan sa iyo, ay sa iyo..

Paalam na, K.A.M...


Free WEB Hosting!



This post first appeared on My Inner Thoughts About Life... Of Life... In Life., please read the originial post: here

Share the post

Sayang Talaga Tayo

×

Subscribe to My Inner Thoughts About Life... Of Life... In Life.

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×