Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

COMMERCIAL

Medyo naging busy ang ka-kyutan ko these past few days kaya Naman hindi ako nakakabisita ng ibang blog masyado at hindi rin ako mismo nakakagawa ng post pero in-between takes sa taping (Taping=transfer of work location, NBI Renewal at RDO change and soon medical exam.) ko ay paminsan-minsan ko rin nasisingit ang pagbisita ko sa sarili kong blog upang basahina ng mensahe ng mga dumadalaw. Nais kong pasalamatan si RHODEY at TONIO para sa AWARDS at kay JASONIZERS na nagbigay ng kakaibang ngiti sa aking mga labi.

Una, Rhodey... maraming salamat sa iyong MY FAVORITE BLOG AWARD. Simple lang naman ang rules/criteria para sa Award na ito.





1. dapat lagi mong binibisita ang kanyang pahina,
2. inform mong meron siyang tag/award sa pahina mo,
3. acknowledge mo kung sinong nagbigay sa iyo.
4. pwede mong ibigay sa kung ilang blog na mahal mo, malapit sa puso mo, o kaya ay paborito mo.
5. Lagyan mo na rin nang link.


Kay Pareng Tonio, para sa kanyang "Blog na may Award" Award. Salamat sa iyong award na ito at natutuwa naman akong nasama sa mga blogger na iyong binigyan Nito. (Sino ba talaga kamukha ko?)


Pero bukod sa mga nasabing awards, meron pang isang bagay ang naging dahilan ng isang magandang ngiti sa aking mukhang. Tipong inis/tuwa/tawang ngiti pero sa huli, wala na akong ibang masabi maliban sa salamat. Alam naman ng karamihan na maliban sa ka-kyutan ko, isa sa mga dahilan bakit ako nabibista ng mga blogero ay dahil sa cute bloggers Id tulad nitong larawan na may titulong Exhibit A.


EXHIBIT A



Kapag pinindot mo ang imahe, eh dadalhin ka nito sa iba pang Cute bloggers ID na aking katha tulad ng kapareho nitong larawan sa aking sidebar. Maliban doon, makikita mo Rin Ang ibang cute ID's sa kapag pinindot mo ang "Meet the blogger" link sa aking header. Nakakatuwa at patuloy pa rin ang pag-request ng mga tao dito at higit pang dumarami ang bloggers na meron nito sa kanilang pahina. Hindi naman kasi ito mahirap makuha, utuin mo lang ako ng unti meron ka na nian kaya naman nagulat ako ng makita ko itong larawan na tatawagin nating EXHIBIT B.

EXHIBIT B


Kitang-kita ang pinagkaiba ng EXHIBIT A sa EXHIBIT B. Una sa lahat, mapapansin mong di-hamak na mas matingkad at buhay ang kulay ng EXHIBIT A sa EXHIBIT B. Ikalawa, kapansin-pansin rin ang linis ng pagkakagawa ng original ID sa pirated version nito. Makikita rin na tulad ng isang piratang DVD, mali ang format ng nasabing EXHIBIT B sa EXHIBIT A. Kumbaga, sa pabalat ng DVD ang bida ay si John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ngunit pag-uwi sa bahay ang toto palang laman nito ay ang PIDO DIDA ni Rene Requiestas at Kris Aquino. Higit sa lahat, wala naman ang maaring magkaila na di-hamak na mas cute ang lalaki sa EXHIBIT A sa EXHIBIT B. (Ay, eto foul na. lols!)

Agad ko naman kinausap si Jasonizers ukol sa nasabing usapin at naniniwala naman akong hindi niya lang talaga alam na pwede pa lang mag-request sa ID at ako ang tamang tao para dito. Matapos ang dalawang minuto at kalahati na pagkainis ko ng makita ko ang Pirated version ng ID ay agad ko rin naman na-realize na dapat pa nga akong matuwa dahil isa lang itong patunay na maraming na-kyutan sa aking munting katha para sa lahat ng blogerong magnanais nito.


Para sa kumpletong process paano kumuha ng original at certified cute blogger ID. I-click lang ang ID ko sa sidebar at ang header para makakuha ng ID. Ang ID ay tinatanggap sa lahat ng establishments sa buong universe kaya...APPLY NA!



This post first appeared on Perspektib, please read the originial post: here

Share the post

COMMERCIAL

×

Subscribe to Perspektib

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×