Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Ang Kaarawan Ni PEDRO!

Huling araw ng Hunyo ng taong kasalukuyan, dakong alas syete ng umaga. Nagising ako sa boses ng tatlong tao. Isang babaeng mataba na nasa late 40’s ang edad. Dalawang lalake, ang isa ay pandak na nasa mid 20’s at ang isa naman ay maitim at butas butas ang muka na boses tin-ey-jer. Sabay sabay umaawit ang tatlo ng “hapi bertdey 2 U.” Dahan dahan kong binuksan ang Aking mga mata. Unti unti kong nasilayan ang liwanag. Pag dilat ko, isang cake lang na may kandila ang tumambad sa aking muka. Kung pekpek sanang may kandila natuwa pa ako. Naaninag ko Ang Mga muka ng mga pinang-gagalingan ng mga sintonadong boses-----ang nanay ko pala, kuya ko at ang bunso kong kapatid. Naisip ko na lang bigla, oo nga, bertdey ko nga pala. Bahagya akong bumangon. Pumikit muli ng panandalian. Taos pusong sinambit sa isipan ang isang kahilingan. (peace on earth) At agad agad kong inihipan ang sindi ng mga kandilang ilang minuto ko na ding pinagmamasdan.

Bumangon ako, nag-almusal, naligo at nagtooth brush para maiba naman. Bertdey ko so kinailangan kong magsipilyo. Humalik sa pisngi ng aking nanay. Nagpasalamat sa dalawa kong kapatid. Umalis ng bahay at lumisan patungong opisina. Nagulat ako nung dumating ako ng opisina. Himala, ako pa lang ang tao. Imposible sabi ko sa sarili ko. Magmula kasi ng nagsimula ako sa kumpanyang pinapasukan ko, wala pa akong naaalala na ako ang kauna-unahang tao pag bukas nito. Alam ko na agad kung ano ang ibig sabihin ng tahimik na kwarto. Isang surpresa galing sa mga kasamahan ko. Orgy lang kasama ang sampung babae, masaya na ako.

Sa letrang I, numero bente kwatro, BINGOOO!! Hindi ako binigo ng aking hinala. Hindi man group sex ay tumama pa rin ako na surpresa nga ang dahilan kung bakit tahimik ang kwarto. Ilang minuto lang kasi ang lumipas mula ng ako’y naupo sa cubicle ko, narinig ko agad ang isang putok kasabay ng pagbagsak ng mga confetti. Makukulay ang mga papel na nagbabagsakan. Malalakas ang palakpakan ng mga ka-opisina ko. May mga dalaginding pang naghihiyawan ng mga katagang “marry me PEDRO, marry me!” Isa isang naglapitan sa akin ang mga tao at kasunod nuon ay ang pagbati nila sa akin ng maligayang kaarawan. Sinamantala ko ang pagkakataon at ang lahat ng babae ay aking pinaghahalikan. Matapos ng batihan batian, ay may cake nanaman. As usual, nagwish nanaman ako. (pagkain sa mga plato ng mga nagugutom) At inihipan ko na ang dalawapu’t apat na kandila sa ibabaw ng cake na hawak ng isang napakasexy, napakabango at napakalaki ng [binura pagkat malaswa] na katrabaho.

Binuksan ko ang aking kompyuter. Nag log-in ako sa yahoo messenger, sandamakmak na offline message ng pagbati sa aking kaarawan galing sa iba’t iba kong mga kaibigan ang bumungad sa muka kong kyut at gwapong gwapo. Walang humpay din ang pagtunog ng selepono ko. (tutut tutut) (tutut tutut) Puro pagbati din ang karamihan sa mga ito, maliban sa isa na namis-sent ata at ang nakalagay ay ang mensaheng “hu u?” Nagbukas ako ng plurk account ko. As usual, puro birthday greetings din. Pati na din sa friendster, twitter, multiply, facebook, e-mail, dinagsa din ng mga pabati. Natapos din ang walang patid na pag bati, nagsimula na akong magtrabaho, natapos ang araw at umuwi na ako.

Gaya ng nakagawian ko, sumaglit muna ako sa tambayan kong tattoo shop bago ako umuwi. Pag dating ko sa shop, SAUCE, SANTISIMA, JUICE MIYO, MAMA MIA, OHH LALA! Isa nanamang hindi ko inaasahang pangyayari ang naganap. Sandamukal na pulutan at hindi mabilang na bote ng red horse ang nakalatag sa isang lamesa. At sa isang pader, nakalagak ang isang banner na may nakalimbag na “Happy 24th birthday PEDRO!” Isa nanamang cake ang iniabot sa akin, syempre nagwish nanaman ako. (tahanan para sa mga walang masilungan) At inihipan ko na ang mga kandilang may apoy. Matapos nun ay nagkamayan, nagbatian, nagkainan, nagtawanan, nagkulitan, at nag-inuman. Natapos ang gabi at umuwi na ako.

Habang sakay ng isang fx pauwi ay tulala ako. Ang saya sana ng birthday ko kung totoo lang sanang naganap ang lahat ng mga sinabi ko. Pero hindi, walang katotohanan at isang kathang isip na gawa gawa lamang ng malawak kong imahinasyon ang mga kaganapan na nabanggit ni PEDRO. Pft. Wala talaga akong kwenta, gumagawa ng sariling kaarawan at sariling kasiyahan sa sarili kong mundo. Nadagdagan nanaman ng isa ang edad ko. Eh ano naman? Dalawampu’t apat na taong gulang na pala ako. 7 years shy para mawala na ang numero sa kalendaryo. Tumatanda na, wala pa rin pinagbago. Pinanganak na emo at mamamatay na emo. Welkam sa buhay ko. Ang basurang kasaysayan ni PEDRO!

P.S. (Pahabol Salahat)

Taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati sa aking kaarawan. Buong buhay kong dadalin ang saya na naidulot niyong ligaya sa espesyal na araw kong ito. Pangako ko, hinding hindi ko kayo malilimutan, ngayon, bukas at magpakailanman.

Nagmamahal,

Ang inyong kapamilya,

Tita Charo




...


This post first appeared on Ako Si PEDRO!, please read the originial post: here

Share the post

Ang Kaarawan Ni PEDRO!

×

Subscribe to Ako Si Pedro!

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×