Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Sampal!

Nakaraan…

PAK – ganun lang, syet ang sakit!

Sa araw-araw nagtatanong ako sa mga tao, kung nakita ba nila Ang Sasakyan ko. Pero zeroela, nada, waley talaga! Wala pa ding himalang nangyayare. Ang saklap, asan kaya sya? Sa Nueva York? Ang saya ha! Mexico kaya? Dinala ng mga coyote pabalik? Hahaha. Ewan!

Ang saya-saya mag walkathon kahit saan syet with almost 100 degrees leche!!! Kumbinsido na ako na talagang Hindi na kumuha pa ng sasakyan na isa – mas tipid para sa amin. Mas makakaipon “daw”.  Yon naman ang plano to get rid of 1 car – we just don’t know whom? Eh who pala. Lol.

Iba pa din ang dating ng ninakaw, kesa sa kusa diba? Aray talaga. Masakit!

Kapag may bad news, may good news! Charot!!!

Noong araw na na-realize ko na nawawala ang sasakyan ko – noong hapong iyon, may natangap akong email na, sinagot na kami ng nililigawan naming si Maria yay! Ang may ari ng bahay na aming napupusuan. O diba. After 48 years na ligawan at pakiputan sa presyo. Finally napa-OO na din sya sa pinagkasunduang $$ hindi na $$$ hehehe. Masaya pero malungkot. Ika nga, hindi mo makukuha lahat!

<<<UPDATE>>>

Kapon ng hapon may natangap akong sulat mula sa pulis. Aba nakita na daw ang kotse ko at andoon sa norte. May babayaran daw akong towing at ekk ekk na storage fee? Ha ano? Ano daw? Eh ako na nga ang nanakawan ako pa magbabayad? Masyado naman atang aggravation (tama ba aggravation – english ng agrabyado?) yon sa akin hindi ba nakakahiya? Good condition naman daw. Describe good condition? What looks good in your eyes may not be good in my eyes or in my standards… Leche!

Exited at irita at the same time – toxic combo sya, mantakin mo na muntik na ako makasagasa ng batang hanabol ng leche nyang bola sa karsada? Tapos Yong nanay o yong lola nakatanga lang – napahinto ako sa shock ko. Gusto kong bumama sa sasakyan at kutusan yong ale! (Jusko day!!! Para sa $5 punyeta kang bata ka magpapakamatay ka at idadawit mo pa ako. Leche ka!)

Kaninang umaga pumunta sa lote para i-identify ang sasakyan. Sya nga, she looks rough-up. Nakabukas ang glove compartment at ang mga papel-papel ko wala na (may kutsara sa loob nito. at sa likod may container ng oatmeal at kutsara. tangenang yan, may gana ka pang mag-almusal sa kotse ko??? at syet pa-healty pa oatmeal???  tinignan ko ng ibang angulo — hmmm nakita ko ang dulo ng syringe ay pootah!) Ginawa nang breakfast nook at di pa nakuntento ginawa pang drug den! (hindi naman masyadong mataas ang expectation ko sa magnanakaw lol.) Hindi ko na tinangkang pasukin ang loob o kunin ang mga ibang personal na bagay sa trunk. Baka kung anong disease pa makuha ko jan! People are crazy they put/smear different bodily fluids anywhere! Don’t know if they do that on purpose or just to high to care? Aba malay ko kung may needle pa doon sa upuan, deadmatology na! Ibinigay ko na ang titolo at sinabing inyo na!!! Hindi ko napigilan na di maiyak. Umiyak ako. Masyado yong pagka-vandalize.

I guess this is the price, living in the city? You will be awaken in the middle of the night, because the choppers are all over your roof! The marshals are blocking the streets! The ice is raiding someone else’s house, and the list goes on… All this nakita ko/naranasan ko all on different occasions. Sabi ko sa asawa ko, sa tingin mo may kapit-bahay tayong fugitive? *Patakang tanong!* Wala syang sinagot – natawa lang sya?

I am so turned off. Turn off ako sa ciudad – by it’s people — doon kasi sa boquirin sa dati kong lugar kahit nahulog ko yong pera ko Walang nag-pick up! As in binalikan ko tracks ko syet andoon pa din lol walang labis walang kulang! Walang dumi, walang ingay – Wala Wala Wala wala ring kapit-bahay! Hahahaa…

I guess, I will be a losing extra pounds by doing a lot of walkathons and ganun madadagdagan ng 1 pasahero ng public transpo! UGH…

 

Related Posts
  • PFLAG
    Does it stand for? Pilipino Fairents of Lesbians and Gays? Hehehe... I feel anxious/excited and ...
  • can I be an artist? (part two)
    continuation of part one... I got tired of staying at home (trust me on this one, very boring!) a...


This post first appeared on Diwatang Byaning » Rants And Raves Of An Ethnic, please read the originial post: here

Share the post

Sampal!

×

Subscribe to Diwatang Byaning » rants And Raves Of An Ethnic

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×