Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW ang Naghihirap



Welcome Tambayers!

Alam mo ba, ayon sa statistic mula sa gobyerno ay mayroong 10 milyong Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa ibat-ibang panig ng mundo? Ito ay kumakatawan sa 10% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na may bilang na humigit kumulang sa 100 milyon (As of July 2014).

Bakit ganito kalaki ang bilang ng mga OFW? Maaaring ilan sa mga kadahilanan ay ang kakulangan ng oportunidad ng trabaho sa Bansa at ang maliit na pasahod ng mga kumpanya. Kaya naman marami sa mga kababayan natin ang napipilitang mangibang-bayan at nakikipagsapalaran sa Ibang Bansa upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya.

Tayong mga Pinoy ay handang magsakripisyo na malayo sa mga mahal natin sa buhay alang-alang sa kanilang kapakanan, ang maibigay sa kanila ang kanilang pangangailangan at maranasan ang marangyang buhay. Sa sobrang pagmamahal natin sa kanila, ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya para may sapat na maipadala sa pamilya. Tayo ay maituturing na pinaka-masipag , pinaka-magaling at pinagkakatiwalaan na manggagawa, kaya naman tayo ay kinikilala saan mang sulok ng mundo.

Ngunit nakakapagtaka lamang dahil sa kabila ng ating talino at kakayanan, ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang umuuwing luhaan. Sa kabila ng malaking sahod sa ibang bansa, Bakit Marami pa rin sa Pamilyang Ofw Ang may problema sa pera? Bakit karamihan pa rin sa pamilyang OFW ay hindi nakakaahon sa kahirapan gayong di hamak naman na mas malaki ang kinikita nito sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas?

Ang ating mga kawawang OFW ay patuloy na pabalik-balik at kumakayod pa rin sa ibang bansa na para bang wala ng katapusan para lamang kumita ng pera para sa pamilya.

Mayroon akong nakikitang 7 Dahilan Kung Bakit marami pa ring pamilyang OFW ang naghihirap.
   
      1.)  Baon sa utang

Karamihan ng mga OFW ay may mga naiwang utang bago umalis ng bansa. Perang inutang para pang-aplay sa mga agency, pang-requirements at pambayad ng Placement fee. Ngunit nang nakaalis na at nakapag-abroad, di naman agad binayaran ang mga pinagkakautangan bagkus ipinadala agad sa pamilya at pinambili ng Kung anu-anong bagay para sa sarili.

Kaya naman imbes na mabawasan ang utang ay lalo lamang ito nadadagdagan. Lalo na kung inutang mo ito sa mga lending company o bumbay, dahil tumutubo lamang ito ng tumutubo at palaki ng palaki ang utang mo kapag di mo agad ito nababayaran sa takdang panahon.

        2.)  Hindi nagpa-plano

Ang isa pang dahilan Kung Bakit patuloy na naghihirap ang pamilyang OFW ay dahil sa kawalan ng plano lalo na sa pang-pinansyal na aspeto. Bago umalis ng bansa, ang unang nasa isip ng kababayan nating OFW ay kung ano ang mga bibilhin pagkatanggap ng unang sweldo imbes na planuhing mabuti kung saan dapat mapunta ang perang pinaghirapan.

Ang hindi pagpa-plano ay mauuwi lamang sa labis na pag-gastos o hindi tamang pag-gamit ng pera habang nasa ibang bansa. Marapat na bago tayo umalis ng Pinas ay pina-plano na natin na kung magkano ang ilalaan natin na ipapadala sa pamilya at huwag kalimutang magtabi ng ilang bahagi para sa savings at investments.
READ MORE »


This post first appeared on Dizkarteng Noypi, please read the originial post: here

Share the post

7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW ang Naghihirap

×

Subscribe to Dizkarteng Noypi

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×