Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Paano Mag Diet ng Mabilis

Kailangan mo bang magbawas ng timbang sa maiksing panahon? Marahil, may special party o event na kailangan daluhan o ‘di kaya, may beach outing na planong samahan. Basahin ang sumusunod na mga tips para sa mabilis na pag-diet:

1. Sukatin ang Kinakain na Kanin at Tinapay

Bantayan ang dami na kinokonsumo na kanin at mag-stick lang sa 1 cup ng rice bawat Meal. Malakas magpalaki ng tiyan ang sobrang pag-kain ng kanin, lalo na kung white rice grains ang karaniwang ginagamit kada meal time. Malakas din ang pure sugar content nito kapag nag-breakdown na sa loob ng katawan mo. Kaya, kung tutuusin, mas pinalalakas niya ang cravings mo imbes na busugin ka ng matagal.

Ganun din ang lagay pagdating sa tinapay. Iwasan ang sobrang kain ng pandesal at white bread. Minsan, akala ng tao na ang tinapay ay okay lang kahit maramihan ang pag-kain. Pero, kaunti lang ang ikinagaan nito sa kanin pagdating sa calorie at carbohydrate content dahil pagdating sa mga Pinoy, hindi kakayanin ang Isang slice lang ng bread para sa main meal o snack. Sanay tayo sa kanin kaya malamang, minimum ng 2 to 3 slices ang ikokonsumo niya tuwing meal. Maganda ang comparison chart ng SparkPeople tungkol dito.

2. Mag-set ng Fixed na Meal and Snack Count

Ayos naman ang 3 main meals sa isang araw at dalawang in-between meal snack time. Pero, huwag ka nang sosobra dito. Ang mabigat na meals ay ang agahan at hapunan. Oo nga, importante ang maayos na agahan dahil ito ang panimulang pagkukunan mo ng enerhiya para sa buong araw ng energy burn. Pagdating naman ng hapunan, ito ang huling meal kaya ayusin ang kakainin upang tamang energy ang ibigay nito na magiging sapat para sa buong gabi. Ang tanghalian ay dapat light o katamtaman lang dahil mayroon ka nang 2 extrang snack na kakainin sa mid-morning at mid-afternoon.

3. Subukan ang Meal Replacement Shakes

Subok na ang bisa ng nutritional shakes para sa mabilis na pagbawas ng timbang. Ang kagandahan sa mga meal replacement shakes, ang isang baso ng drink na ito ay siksik sa kompletong nutrisyon na kakailanganin ng katawan. Magandang i-take ang replacement meal na ito ng lunchtime. Maaring samahan ng gatas, prutas, chia seed, at soy powder ang shake pero siguraduhing katamatamang dami lang ang iyong idadagdag at mas mainam kung hindi mo na aasukalan pa.

4. Mag-ehersisyo ng Regular

Hindi maikakaila na isang importanteng paraan sa mabilis na pagbawas ng timbang ang ehersisyo o pagkilos. Napatunayan sa pag-aaral ng US National Institutes na ang diet kapag sinabayan ng physical fitness ay mas mabisa sa pagbabawas ng timbang at pag-maintain ng weight loss results. Kaya maggugol ng minimum na 30 minutes na physical activity o exercise kada araw. Maraming paraan para makuha ang 30 minutes na ito everday. Maglakad imbes na mag-jeep o mag-tricycle. Mag-hagdan imbes na mag-elevator o mag-escalator.

Mag-brisk walk imbes na tamad na paglalakad ang gawin. Iwan ang sasakyan at mag-bus o mag-MRT papuntang trabaho o eskwela. Mag-bisikleta at ikutin ang ilang mga kalye sa barangay mo. Ipasyal ang iyong alagang aso. Magtrabaho sa bahay, ayusin ang mga gamit at walisin ang kapaligiran. Imbes na gumamit ng floor polisher ay bunot ang gamitin pampakintab ng sahig.

Sobrang daming paraan para mag-spend ng at least 30 minuto para sa exercise at imagine mo pa kung mag-eenroll ka sa isang gym o fitness center. Iba rin kasi ang nagagawa ng pakikisama sa mga taong gustong maging fit, mas na-eencourage kang ipagpatuloy ang mga nasimulan mo nang steps tungo sa weight loss goals mo.

Goldsgym, FitnessFirst, mga sikat ng gym yan. Pero, maraming mga magagandang promos ang mga gyms na nakakakalat sa buong Metro Manila. Tumawag para mag-inquire. Mas maganda kung malapit lang sa school, workplace, o bahay mo ang gym na pupuntahan dahil hindi ka tatamarin mag-session.

Isa ring epektibong physical activity ang dancing. Matagal ng nagging popular ang ballroom dancing sa Pinas. Nitong mga ilang nakaraang taon, Zumba Fitness Classes naman ang pinasikat ng mga instructors at dancers. Masaya at nakaka-relax kaya’t hindi nakakawalang gana ang pagsasayaw.

Mag-join sa mga Sports Activities. Subukan ang swimming, basketball, badminton, volleyball, at iba pa. Ang kagandahan sa exercises, hindi kailangang paulit-ulit upang hindi ka magsawa o mawalan ng gana. Kada barangay ata ay may mga court na maaring rentahan o gamitin ng libre.

Mag-aral ng Mixed Martial Arts o Self-Defense classes. Ang laking tulong nito sa health at safety mo. Tinuturuan kang proteksyonan ang sarili mo, pinapalakas ka, at pinapalusog ka. Siguradong magbabawas ka ng pounds habang na-totone mo ang total body condition mo. Tae Bo, Tae Kwon Do, Boxing, etc., ang daming option na mapapagpilian.

5. Magkaroon ng Regular na Supply ng Nutri-bars o Energy Bars at Mani

Tuwing maghahanap o may craving ka para sa kakainin, maglabas lang ng energy bar. Kontrolado ang calorie count nito at puno pa ng good calories at nutrients. Tigilan na ang cake, biscuit, chips, cup noodles, chocolates, candies, ice cream, at mga pagkaing sobrang tamis at puno ng calories pero empty naman.

Ang sari-saring mani ay malakas ding magbigay ng energy. Cashew, Pistachios, Hazelnuts, Walnuts, Almonds, Pecans, Peanuts at iba pa, malakas sa sustansya ang mga iyan. Iwasan nga lang ang highly salted o deep fried na preparations nito. Yung mga nilalako sa kalye ay sobrang mamantika kaya huwag sa kanila bumili. Piliin ang raw o dry roasted products. Nilathala sa New England Journal of Medicine na ang isang dakot (handful) na serving na mani ay nakakatulong sa longevity ng isang tao.

6. Mamili ng Epektibong Weight Loss Supplements

Maaring mag-take ng weight loss supplements para makatulong sa mas mabilis na pagbabawas ng timbang. Alalahanin na varied ang results at effectiveness nito depende sa kalagayan o kondisyon ng katawan ng isang tao. Maganda siguro na paunti-unti subukan ang mga weight loss supplement products na nasa market ngayon. Sari-sari ang popular ngayon sa bilihan: Green Tea caps, Acai, L-Carnitine, Garcinia Cambogia, at marami pa. Kung ikaw ay may mga iba nang maintenance meds na iniinom, i-research muna ang mga contraindications, drug interactions, at side effects nito. Mas maganda din kung kumuha ka muna ng approval sa doctor mo tungkol sa isang particular na produkto bago ito inumin.



This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Paano Mag Diet ng Mabilis

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×