Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Saging Na Saba Diet

Masagana ang Pilipinas sa prutas na Saging. Ang supply ay hindi nagkukulang at maraming klase pa ng saging ang maaring mong subukan. Merong lakatan, latundan, Chiquita banana, at saging na saba. Marami ring paraan para ito ay kainin: as is, nilaga, prito, binalot, minatamis, inihaw, kasama sa iba’t-ibang ulam, at marami pang iba. Kaya naman, napakagandang balita para sa mga Pinoy na malaman na isang mabisang paraan ang saging na saba para sa magandang pagda-diet.

Nutritional Benefits

Ang prutas basically ay malaking improvement ang nadudulot sa kalusugan. At sa mga prutas, beneficial talaga ang saging. Ang daming nutrients na sinu-supply nito sa ating katawan. Mataas ang fiber content niya at nagbibigay ng good carbohydrates. Ang medium size ng banana ay mga 100 calories at mataas ang Potassium content (12% RDA). Meron din itong Vitamin C (17% RDA), at Vitamin B6 (20% RDA). Ang fiber content ay 3.1 grams. Good source din ito ng antioxidants kagaya ng dopamine at catechin.

Health Benefits

Ang mataas na fiber content ng saging na saba ay malaking bagay sa ating digestive system. Nakakatulong siya sa pag-regularize ng bowel movement. Napatunayan na rin na malaki ang naitututulong ng fiber sa heart health ng tao, nakakadagdag-iwas sa heart diseases. Ang antioxidants naman ay nakakatulong sa paglinis ng ating katawan at pagbigay ng positibong pakiramdam sa maghapon na pagkilos natin. Nakakatulong nga daw ang saging sa pag-manage ng depression. Nagiging preventive measure din siya laban sa cancers. Sabi din ng SF Gate, nakaka-improve daw ng cognitive function ang saging dahil sa Vitamin B6 content.

Saging na Saba Para sa Weight Loss

Sa fiber content pa lang nito, may positibong epekto na siya kagad sa pagbawas ng timbang sa mga sumusunod na kadahilanan:

  1. Ang regular bowel movement ay nakakatulong ng continuous na pag-expel ng masasamang nasasagap ng katawan. Nalilinis din ang digestive tract kaya nababawasan ang tendency mong kumain ng kumain dahil naaabsorb ng maayos ng katawan ang nutrients.
  2. Malakas itong magpabusog. Kaya ka niyang i-sustain ng mas matagal in-between meals. Kaya naman, bawas ang snack items na hahanapin ng katawan mo. Ayon din sa pinublish ng Reader’s Digest tungkol sa isang finding ng Smell and Taste Treatment and Research Foundation, ang pag-amoy pa lang daw ng saging ay nakakabawas gutom na.
  3. Maaasahan ito bilang energy provider kaya hindi ka kagad hahanap ng pagkain bunga ng pagod o kahinaan.
  4. Nagpapalakas ito ng immune system. Ayon sa Fitness Republic, hindi lang daw reduced waistline ang makakamtan sa saba diet kundi boost ng immune system din.

Saging na Saba Diet: Rekomendasyon

  1. Dalasan ang pagkain ng berde na saging.

Mas nirerekomenda ng health advisers ang pagkain ng berde na saging dahil mataas daw ang resistant starch content nito kaysa sa hinog na saging. Ang resistant starch daw ay mas maraming benepisyo sa katawan, pangunahin na dito ang reduced sugar and cholesterol levels kumpara sa hinog na saging. Sa pagkonsumo ng resistant starch from green bananas, napapabagal ang pag-absorb ng katawan sa asukal kaya mas stable ang levels at hindi ka kagad makakaranas ng hunger pangs. Maari din daw nitong mapabilis ang fat burn. Iwasang kumain ng sobrang hinog na saging, lalo na kung ikaw ay may history ng diabetes o may problema sa pag-maintain ng sugar levels.

  1. Ugaliing kumain ng saging sa umaga.

Napaka-popular na ang Morning Banana Diet. Karamihan ng doctor ay nag-aadvise na kumain tayo nito paggising pa lang sa umaga. Ang diet pala na ito ay tinatawag ding Asa-Banana Diet, praktis na hango sa mag-asawang pharmacist at preventive medicine expert sa Japan (Sumiko) at traditional Chinese medicine expert (Hamachi). Kasama din sa diet plan nila ang pagkain ng 8 PM at the latest at ang strict advice na huwag magpapakabusog tuwing meal time.

  1. Mag-stick sa isang piraso ng saging kada meal o snack time.

Kung breakfast item siya, maaring samahan ng kanin at itlog. Kung snack item naman, huwag mag-doble dahil sakto na ang isang piraso kung pampa-stretch lang ng fullness ang kailangan in-between meals.

  1. Balansehin ang diet with protein intake. Siguraduhing madami din ang protein sa meal plan mo. Sa pamamagitan nito, mas magiging epektibo ang ginagawa mong dieting upang ma-achieve ang weight loss goal.
  2. I-vary ang pag-konsumo ng saging.

Maraming paraan para i-prepara ang saging. Try mo ang ilan sa mga sumusunod:

  1. Boiled Saba- Maglagay ng katamtamang dami ng saba sa kaldero na half-full ng tubig. Hindi dapat masikip. Pakuluan hanggang ito ay mailaga ng katamtaman, hindi matigas at hindi rin sobrang lambot. Huwag i-overcook para hindi mawala ang nutrisyon.
  2. Sweetened Saba- Balatan ang saging at i-cut into smaller slices. Boil in minimum amount of filtered water plus honey or raw sugar.
  3. Saba shake- Slice one piece of banana into smaller pieces. Ilagay sa blender at buhusan ng 1 cup ng gatas. Gumamit ng natural sweetener, i-blend tapos drink up na.
  4. Grilled Banana- Balatan ang saging at ilatag sa grill, over charcoal. Antaying lumambot ang saging at serve while hot.
  5. Ground Beef in Saging na Saba- Mag-saute ng garlic at onion sa kawali gamit ang extra virgin oil. Samahan ng kamatis. Ihulog ang ground beef at saging. Takpan ang kawali at hayaang maluto ang putahe ng 20-30 minutes over medium heat. Asinan at lagyan ng paminta ng katamtaman lang.
  6. Banana Split- Hiwain ang isang piraso ng saging sa gitna, ilagay sa isang platito. Maglagay ng maliit na scoop ng low sugar or fat-free ice cream. Maganda itong desert, lalo na kung magaan lang ang kinain mo na meal.
  7. Banana Fries- Kagaya lang sa French fries ang preparation nito.
  8. Mashed Bananas- Kagaya lang sa mashed potato ang preparation nito. Maaring lagyan ng kaunting butter ang minash na saging.
  9. Use Banana Peelings- Maaring kainin ang pinagbalatan ng saging. Kung green ang balat, magiging kalasa at itsura lang ito ng bell pepper. Kung yellow naman ang balat, ito ay magpapatamis ng niluluto kaya mas mainam kung sa desert items like smoothies o shakes gamitin. Ayon sa Australian News, sagana sa probiotics ang peelings kaya maganda ito sa digestive system. Forty Percent daw ng nutrients ay makukuha sa peelings kaya hugasan lang na mabuti tapos isama sa lutuin o inumin.


This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Saging Na Saba Diet

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×