Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Paano Pumayat ng Isang Buwan: Ang Aking Journey Sa Pagbabawas ng Timbang!

This article is designed to help you become susceptible. You will find here my main secret of the slaughter, the Intermittent Fasting. Remember, this is the quickest way forward I’ve tried!

My story: being thin to being ugly!

I grew up in a poor family. even food, we lack. My parents had difficulty in promoting our basic needs because they were old and have no proper work. My dad was driving a tramp, and my mother was tired.

I did not want that kind of life, so I tried to study with our family who offered help. After five years I completed my studies and immediately taught at my alma mater university.

There is a monthly salary! I can buy my needs and my brothers. My food is also well-suited! Delicious and helpful meals!

Soon, I learned how to work online even at home, so over four years of college education I was able to make a full-time online online worker in 2014. We also married my girlfriend to that person. Higher income online. Longer working days, bigger profits!

But what I did not care about during my time was the slow growth of my body. My life was stagnant: eating, sitting in front of the computer and sleeping in my routine five days a week. I can no longer walk as usual. I have no time to exercise.

When I was studying, my weight was not increased by 143 pounds (65 kilograms), but in the last two years, I got 210 pounds (over 90 kilograms)!

Additionally, sadly I discovered that I was diabetic and glucose in the complications of this condition. I’m still young to have diabetes, but because of self-esteem, I have to take care of these diseases.

My journey to progression

Because of the ill feeling caused by diabetes and high blood pressure I started to reduce food (I do not want to die!). I also started to jogging and jogging every morning.  

Taong 2017 noon ng maramdaman ko na maganda ang epekto ng pagjo-jogging sa katawan ko, dahil sa loob ng 3 buwan, nabawasan ako ng 30 pounds! Epekto iyan ng estriktong one cup of rice policy at paggising ng 4:30 ng umaga at pag-jogging ng dalawang oras araw-araw.

Mahirap i-maintain ang ganitong schedule pero sa tingin ko noon ay sulit naman kasi talagang bumaba ang blood sugar at blood pressure ko. Maganda rin ang pakiramdam ko sa sarili ko. Kaya kahit nakakatamad gumising ng umaga at nakakagutom ang magdiet ay talagang pinanindigan ko na.

Pero dumating na ang tag-ulan, naging mahirap para sa akin ang gumising ng maaga para makapag-jogging. Tinamad din akong mag-diet ng sunod-sunod na tinamaan ng sakit ang baby namin na noon ay dalawang taon pa lamang. Sa madaling salita, sa loob lamang ng tatlong linggo na walang jogging at diet, lumobo ulit ako sa 100 Kg na timbang. Sayang ang pinaghirapan ko! Nawalan  na ako ng gana!

Sumubok din ako ng iba’t ibang slimming tea, lalhat na siguro na nakadisplay na tsaa sa botika ay nasubukan ko na, pero walang epekto!

Bumalik lahat ang mga kinaiinisan ko, pagiging mataba, maitim ang leeg, panghihina dahil sa mataas na blood sugar at pagiging highblood! Nagtagal yan ng mahigit isang taon hanggang sa may nadiskubre akong isang kakaiba ngunit kapanipaniwalang paraan ng pagbabawas ng timbang!

September 2018 noon ng pumunta ako sa uncle ko na nagpaaral sa akin sa college para makahingi ng dahon ng insulin plant, isa rin kasi siyang diabetic at nagmemaintain rin ng kanyang blood sugar.

Sinabi ni uncle na nakadiskubre siya ng bagong technique para sa weightloss sa internet. Itinuro niya iyon sa akin, at masayang masaya ako dahil nakinig ako sa kanya.

Gusto mong malaman kung ano ang itinuro niya? Ituturo ko rin sa’yo!

Ang epektibong paraan ng pagpapayat

Itinuro niya sa akin ang tinatawag na intermittent fasting, isang paraan na matagal na palang kinababaliwan ng mga banyaga sa internet.

Tandaan, hindi ito pagbabawas ng pagkain, isa itong uri ng fasting na naka-focus sa timing ng pagkain. Sa intermittent fasting, hindi mo kailangang magbawas ng pagkain mo, pwede mong kainin ang lahat ng gusto mo, kagaya ng dati mo nang kinakakain. Pero sa paraang ito, palalawigin mo ang panahon na hindi ka kakain ng anuman.

Halimbawa, pinili ko ang tinatawag na 16/8 fasting. Ibig sabihin 16 oras akong dapat na hindi kumakain, fasting time ang tawag diyan. Pero pwede naman akong kumain hanggat gusto ko sa loob ng walong oras na natitira, tinatawag naman itong feasting time. Ang issue nalang ay kung anong time window ang pipiliin mo.

Pinili kong magfeasting mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-otso ng gabi, magmula sa oras na iyan ay hindi ka ako kumakain ng anuman. Kung bibilangin, matatapos ang fasting mo na 16 oras eksaktong alas-dose ng tanghali kinabukasan. Kung iisipin, agahan o breakfast lang naman ang naisakripisyo mo!

Ang resulta ng aking intermittent fasting

Noong unag tatlong araw, parang hindi ko naman ramdam ang epekto nito, kung sabagay, breakfast lang naman ang nawala sa akin, nababawi ko naman sa pananghalian ang gutom ko kaya ayos lang.

Pero makalipas ang pitong araw, napansin ko na lumawag ng isang pulgada Ang Aking sinturon, takang-taka ako ng resultang ito! Sunod na linggo, isang pulgad na naman ang nabawas. Ito na ang panahon na napapansin na ng mga kasama ko sa bahay at mga kaibigan ko ang pagliit ng mukha at tiyan ko.

Syempre, masayang masaya ako sa achievement ko, marami sa mga pinsan ko ang tanong ng tanong, ano bang sekreto mo? Kaya ikinikwento ko sa kanila ang aking bagong technique.

Makalipas ang isang buwan, October 2018 na, tumimbang na lamang ako ng 70 Kg. maliit na ang mukha ko di tulad ng dati, maliit na rin ang tiyan ko! Marami na rin sa mga kakilala ko ang gumaya na rin sa akin. Manghang-mangha sila sa epekto sa akin!

Intermittent fasting: Ang siyensiya sa likod ng pagpayat

Bakit nga ba epektibo ang intermittent fasting? Narito ang paliwanag ng mga dalubhasa:

Ang pagiging epektibo ng intermittent fasting ay ang nakadepende sa pagkain ng marami sa isang pagkakataon. Limitado lamang kasi ang calories na kayang i-absorb ng katawan, kaya kahit gaano karami ang kainin mo, bilang lamang ang calories na kukunin ng katawan mo.

Ayon sa mga dalubhasa, ang paraang ito ay bagay sa mga taong malakas kumain, tulad ko. Noon, hindi ko talaga binibilang kung ilang beses ako kumakain araw-araw. Tapos magtataka ako kung bakit parang lalo akong tumaba.

Sa panahong fasting ako, hindi ko masyadong ramdam ang gutom kasi nga hindi ko naman binawasan ang pagkain ko, imbes, dinamihan ko pa nga.

Sa mga oras na hindi tayo kumakain, tinutunaw ng katawan natin ang fats na nakatago sa mga taba ng katawan para gawing energy. Ito ang tinatawag na ketosis. Iyan ang ginagawa natin sa intermittent fasting, imbes na gamitin ang fats na nasa pagkain para maging lakas,  ginagamit ng katawan natin ang stored fats. Kaya sa pagdaan ng mga araw, mapapansin mong pumapayat ka na!

Intermitent fasting at fiber-rich na diet: perfect combination!

Dahil sa intermittent fasting, na-achieve ko ang timbang na pinapangarap ko. Pero hindi rin nito napababa ang blood sugar ko. Palagi paring tumataas ang aking presyon. Kaya naghanap pa rin ako ng solusyon sa problema kong ito.

Imunungkahi rin ni uncle na magbawas ako ng kanin. Sinabi niya na ang calories ay maaari ring makuha sa ibang uri nang pagkain kaya pwede kong bawasan ang pagkain ng kanin. Kaya mula noong kalagitnaan ng October 2018, lubusan ko nang inalis ang kanin sa hapunan ko.

Kumakain ako ng maraming gulay, kadalasan ay ginisang sitaw gabi-gabi. Iyan na ang naging pamalit ko sa kanin. Isda o karne ang aking ulam. Ang kagandahan ng diet na ito ay napansin kong  naging regular ang aking pagdumi. Paggising ko, go agad!

Makalipas ang isang linggo, naramdaman kong bumaba na ang aking blood sugar. Bihira na ring tumaas ang presyon ko.

Dahil dito, desidido akong ipagpatuloy ang kumbinasyong ito ng pagpapapayat.

Ehersisyo  kasabay ng fasting at diet

Habang tumatagal, napapansin kong nawawala rin ang mga muscles ko sa dibdib balikat, braso at binti kasabay ng aking pagpayat.

Kaya naisipan kong ipagpaltuloy ang aking naudlot na walking schedule, ngayon ay 30 minuto na lang every other day.

Nagresearch din ako ng weight exercises para sa dibdib, mga braso at likod, balikat at mga binti. Ginagawa ko ito alternately.

Narito ang aking daily routine. Ito ay tumatagal ng 30-45 minutes bawat araw. Pakihanap na lang sa YouTube kung paano isinasagawa ang mga exercises na sasabihin ko.

Lunes:

  • Walking ng 30-45 minutes

Martes:

  • Jumping jack – 30 counts, 3 ulit
  • Push ups – 15 counts, 3 ulit
  • Bench dips – 15 counts, 3 ulit

Myerkules :

  • Walking ng 30-45 minutes

Huwebes:

  • Jumping jack – 30 counts, 3 ulit
  • Dead lift – 15 counts, 3 ulit
  • Bicep curl – 15 counts, 3 ulit

Byernes:

  • Walking ng 30-45 minutes

Sabado:

  • Jumping jack – 30 counts, 3 ulit
  • Military press – 15 counts, 3 ulit
  • Arnold press – 15 counts, 3 ulit
  • Front delts – 15 counts, 3 ulit
  • Side delts – 15 counts, 3 ulit
  • Rear delts -15 counts, 3 ulit
  • Squat – 15 counts, 3 ulit
  • Butt kicks – 15 counts, 3 ulit

Linggo: Araw ng pahinga

Bagaman hindi pa isang buwan magmula ng pagsabay-sabayin ko ang intermittent fasting, pagbawas ng kanin at ehersisyo, nakikita ko sa resulta nito na mas mabilis ang aking pagpayat at paglitaw ng mga muscles.

Hindi ako mabilis mapagod ngayon tulad ng dati at mas nakapagpo-focus ako sa trabaho ko.

Dahil dito ay disidido akong ipagpatuloy ang aking ginagawa, saw akas, nadiskubre ko na rin ang routine na makakatulong sa akin na ma-maintain ang aking timbang at itsura!



This post first appeared on Mataba Ako!, please read the originial post: here

Share the post

Paano Pumayat ng Isang Buwan: Ang Aking Journey Sa Pagbabawas ng Timbang!

×

Subscribe to Mataba Ako!

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×