Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Bintana



Dungaw Naman Dyan, kahit konti lang.
Kahit sulyap, magpakita ka naman.
Namumuti ka na, hindi ka na naiinitan.
Gusto ko muling makita ngiti mong kainam-inam.

Masyadong mahinhin, sobrang mahiyain.
Ano bang itinatago o natatakot ka sa akin?
Gusto lang naman ikaw ay haranahin.
Kakantahan kita hindi kita kakainin.

Kung ayaw mo man, sana ay iyong pakinggan.
Itong munting awitin na sa iyo ay inilaan.
Huwag mo sanang alalahanin, maikli lang naman.
Pakiusap ko sa iyo, dungaw naman dyan...


This post first appeared on ★"M.W.K.T."★, please read the originial post: here

Subscribe to ★"m.w.k.t."★

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×