Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

May Ginto sa Paligid

ni: Guillermo O. Roman, Jr.


Mural on a concrete fence of a high school along the highway in Parañaque City

Ang basura ay isang malaking suliranin lalo na sa Kamaynilaan. Alam ba ninyong sa Maynila lamang may apat na libong toneladang basura ang itinatapon sa bawat araw? Tinatayang anim na raang tonelada nito ang naiiwan kung saan-saang dako dahil sa hindi maayos na pagtatapon at koleksiyon ng basura. Madalas na napupuno Ang Mga tapunan ng basura sa Kamaynilaan tulad ng Carmona, Payatas, at San Mateo. Ang mga basurang ito kung hindi makukuha sa loob ng isang linggo ay magiging sanhi ng matinding pagbaha ng kapaligiran at panganib na kalusugan. Bukod pa rito ang polusyon sa hangin at sa tubig na likha ng mga pabrika.

Ang krisis pangkabuhayan na dulot ng pagtaas ng presyo ng langis at ang problema sa bansa ay naging dahilan upang kumilos ang lahat sa paghahanap ng mabubuting paraan. Bawat isa ay nagsisikap na tumulong sa sari-sariling kaparaanan ayon sa abot ng makakaya. Patuloy ang paghahanap ng mga kalutasan na habang lumalaon ay lalong sumisidhi at sumisigla.

Minsan pang nagkatotoo ang kasabinang pangangailangan ng ina ang paglikha." Sa pamamagitan ng katalinuhan at tiyaga ay lumitaw ang iba't ibang malilikhaing para kagamitan at kasangkapan mula sa basura. Nalikha ang isang gas-saving device para sa pagtitipid ng gasolina sa mga sasakyan. Ang mga tirang tela, karton, papel, goma, lata, at plastik ay nakararating sa mga pagawaan upang makalikha mula roon ng mga makukulay at kapaki-pakinabang na kagamitan at dekorasyon. Ang water lily na labis na kinayayamutan ng mga nasa mga ilog at mga sapa ay binabayaran upang makuha lamang at gawing tsinelas, bag, dekorasyon, patdoa, at dagdag na pagkain sa mga hayop. Anupa't paglutas sa halip na maging probiema ang pagtatapon ng basura sapagkat puwede pala itong gamitin at pagkakitaan.

Ito ay isang malinaw na katunayan kung ano ang magagawa ng tao, kapag may malaking pangangailangan. Ngunit higit na mahalaga sa lahat, ipinakita ng Pilipino sa daigdig ang kanyang kakayahang lumutas ng mabibigat na suliranin sa tulong ng katalinuhan at ng pagsisikap.

Noong 1975, lingid sa kaalaman ng marami ay nagpasimula ang isang pagsubok sa isang mahalagang tuklas-ang Gargas Tank. Ang tangkeng ito ay nakalilikha ng methane gas para sa pagluluto at ng likidong pataba ng halaman. Alam ba ninyo kung ano ang ginagamit para sa pagkakaroon ng methane gas at pataba? Walang iba kundi basura mula sa pagkain. Sabihin pa; naging malaking ambag ito sa paglutas ng kakulangan ng gas lalo na sa pagluluto. Bukod dito, nakatulong din ito upang mabawasan at pakinabangan pa ang basura. Hindi lamang ito, nagkaroon pa tuloy ng pagkukunan ng gasolina.

Ang methane gas ay sapat ipanluto ng pagkain para sa 2 170 mag-aaral sa bawat araw. Napagkukunan din ito ng pataba, dalawang beses isang araw na ipinandidilig sa mga pananim.

Nakapagtataka at nakatutuwang isipin na ang mga kinaiinisan natin at inaayawang bagay ay mga kayamanan pala sa kapaligiran. Ang basura na itinuturing na problema ay mahalaga palang panlunas na kakulangan ng langis. Ang kinayayamutang water lily ay maaari palang gamitin sa paglikha ng mga kagamitan. Kung ang ginto ay nakukuha mula sa maruming lupa, ang mahahalagang pangangailangang pinagmumulan ng salapi ay nakukuha rin pala sa mga itinuturing na walang kabuluhang bagay.

At ngayon ay itatanong ninyo marahil sa akin kung ano ang magagawa ng mga kabataang Pilipino para sa paglutas ng mga suliranin sa ating kapaligiran. Unang-una ay nais kong sabihin na may nagawa na kayo. Mga kabataang tulad Ninyo Ang nakatuklas ng iba't ibang paraan ng paggamit ng gumamela sa paggawa ng minatamis na pandikit at pandekorasyon. Isang kabataang babaeng tulad ninyo ang makagawa ng panlinis ngipin. Taon-taon ay maraming imbensiyon ng mga mag-aaral ang hinahangaan at kinikilala sa mga pagtatanghal sa mga paaralan at mga sentrong pang-agham sa buong bansa. Ang mga likhang ito ng kapwa ninyo kabataan ay patunay ng pagkakaroon ninyo ng kakayahang tumulong sa paglutas ng mga suliranin ng ating bayan kabilang na ang tungkol sa kabuhayan. Ipagpatuloy ninyo ang inyong kasiglahan at pagsisikap. Lumikha p kayo ng mga kagamitan at mga kasangkapang kailangan natin para sa pag-unlad at pagpapasagana ng ating pamumuhay. Gamitin ninyo ang nyog taiino, lakas, at kasiglahan upang makagawa ng mga bagay na kailangan ng ang bayan at
upang makagawa ng mga bagay na kailangan ng ating bayan at ng sangkatauhan.

Ngunit hindi maaaring lahat kayo ay maging mga imbentor. Hindi naman ito nangangahulugang wala na kayong magagawang iba pa. Ang ganyang kaisipan ay mali. Tandaan ninyong palagi na kayo ay mahalagang mahalaga. Bawat isa sa atin, bawat isa sa inyo ay mahalaga. Ano ang magiging kabuluhan ng mga imbensiyon kung hindi ito malalaman ng iba at hindi gagamitin? Ano ang magiging kabuluhan ng mahuhusay na kaisipan kung hindi masusubok at hindi maisasagawa? Dahil dito ay hinahamon ko rin kayong gamitin ninyo at sundan ang mga nagawa na. Gamitin ninyo ang mga ito para sa kapakinabangan ninyo at ng ating mga mamamayan.

Bukod dito, ang iba ay makatutulong sa pagpapalaganap ng kaalaman na tayo ay, may mga kababayang marunong humarap sa suliranin at may kakayahang lumutas sa mga suliranin sa kapaligiran. Sabihin ninyo ito sa mga hindi nakauunawa. Ipaliwanag ninyo ang mga patakaran ng pamahalaan sa wastong paggamit ng enerhiya at sa pagpapanatili ng kalinisan ng paligid. At sa dami ninyong kabataan ay malaking tulong na ang inyong magagawa para sa kalutasan ng mga nabanggit na suliranin.

Sa kawakasan, nais kong sabihin na may ginto sa paligid. Ngunit iyan ay mawawalan ng saysay kung wala kayo. Kayo ang mahalagang bahagi ng ating kapaligiran. Kayo ang makatutulong nang malaki sa paglutas ng mga suliranin ng ating kapaligiran. Ang mga pinagsikapang gawin nang nakaraan ay sa inyo maiiwan, sa inyong mga mamamayan sa hinaharap. Sa inyo maiiwan ang isang lipunang sinisikap na mapabuti para sa inyo. Ipagpatuloy ninyo ang pagsisikap. Gamitin ninyo ang inyong lakas, at talino para sa mabubuti at kapaki-pakinabang na mga bagay hindi lamang para sa inyo kundi para sa ating bayan at sangkatauhan.



Copyright © 2021
All Rights Reserved


This post first appeared on Poetika At Literatura, please read the originial post: here

Share the post

May Ginto sa Paligid

×

Subscribe to Poetika At Literatura

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×