Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Banig

Hayaan mong Kita'y ibalik sa nakaraan,
Masasayng alaala'y ating pagsaluhan.
Banig Kong dala'y sabay nating sakyan.

Naalala ko pa noong una kitang makita,
Habang naglalakad sa gilid ng kalsada.
Litong-lito and isip at tila nawawala pa,
Tuloy sa paglakad saanman magpunta.

'Di napigil Ang Puso Kita'y nilapitan,
Sabay ang pagtanong sa Iyong pangalan.
Nagawa mo pa nga na Ako'y iwasan,
At ipinilit pa rin na Kita ay sundan.

Sa aking pangungulit Bigla kang pumihit,
Sabay ang pagharap at Iyong sinambit.
Ang iyong pangalan na sadyang kay rikit.
At mga kamay nati'y tuluyang nagdikit.

Noo'y nagsimula ang pag-ibig na wagas,
Nagalab ang Puso 'sing kinang ng Hiyas.
Pumatak ang luha waring ulan sa lakas.
Masasayang sandali ayaw ng magwakas.

Isang pagkakataong di ko pinangarap,
Mga pangyayaring bigla na lang naganap.
Tunay na pag-ibig na hindi ko hinanap,
Biglang dumating agad kong niyakap.


This post first appeared on PapaLaboy, please read the originial post: here

Share the post

Banig

×

Subscribe to Papalaboy

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×