Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Imperyo by Nero x Apekz [Official Lyric Video]


Written & Performed by: NERO & APEKZ
Produced by: Mat Olavides
Mix and Mastered by: Mat Olavides
Lyrics by: Neil Carlo Nera & Mark Anthony Cadiente
Video Edited By: Mark Jinno
Published by: FlipMusic Productions, Inc.


"Imperyo" Lyrics:

Amoy sa pagtuntong ang insenso
Aroma ng sunog na imperyo
Tanggap kong malugod ang talang kaloob
Ambag ni Galileong samin lang nakaluhod
(Kaya)

Gusto kong mangibabaw sa ilalim
Kasama ang mga gintong legal kung minahin
Malabo na mabulag ako sa kikitain
Mas malawak ang imperyo pagsakop ang adhikain

Sana lang sana lang
Matyaga tong magsiga sa maski san
Paningasin
Sa maghapong nagsipag ay nasitang masigasig
Kasama ang kasikatang tatama rin sa nakararami

Inaliw ka ng kaliwa't kanang
Mga balitaktakang maalinsangan
Nakaligtaang nakaimbak ang
Mga limbag na mas nakakabigla
Pag ako napiling pantasa ng pantas sa mga pusong kinalawang
Magpabaga paggutom, kumbaga matutong kumagat na buo' nilalapa

Ughhh eto ang aking imperyo na terno ang mga disenyo
Sa bara kong Realidad na di rin iba sa mga kinikwento
Mag-inumaga sa paggapas ng aking sakahan
Sa bigas ko nakipagasaran yung palay di kayang makipag-alsahan

Kung banig lamang ang hinahabi ay tsak na hihiga ka saming bawat detalye
Kasamang nironda mula teritoryo paggagala na sakin di pabor
Kaya ibigay na kay Nero ang baso ito'y huling ikot ng Emperador (Sa...)

Nagtakda ng bagong haring dagdag pa sa karwahe
Ang tanda ng pagtumba ehh pagsamba at paglupagi
Basta sana batas na sa huli rin mamutawi
Paksang mata sa mata hanggang mapuwing si Hammurabi (ba't?)

Gusto kong mangibabaw sa ilalim
Kasama ang mga gintong legal kung minahin
Malabo na mabulag ako sa kikitain
Mas malawak ang imperyo pagsakop ang adhikain

Sana lang sana lang
Matyaga tong magsiga sa maski san
Paningasin
Sa maghapong nagsipag ay nasitang masigasig
Kasama ang kasikatang tatama rin sa nakararami

Dito samin, respeto mahirap kuhain
Ang mga buto kaylangan unatin
Quota muna bago kumaen
Partida walang tisa parang tira sa bilyaran mababa ang kita
Pinala ang mina hanggang sa makamit ay mala yamashita

Kumalat ang balita naku po
Sa mga lalawigan at pulo
May bagong hari na nakaupo
Nilagyan ng gasolina yung sulo
Sabay ubo salain para di magkagulo
Pwede makalusot dun sa kampo ko
Pero kapag bulok mag magno po

Bakit pako mananakop kusa nila akong tatanggapin
Pano moko matatalo ang gusto iangat ka rin
Huwag na huwag kang tatamarin tulad ng iba ikaw ay tatama rin
Sa gitna pag hinasa ang patalim araw araw na parang walang pake

Lumayo sa pangkariwan kinilala kung saan sinilang
Ako ay putik na nakatanim sa aking lupang hinirang
Mag iiwan ng mga barang mananatili sa isipan
Walang malaking ari arian pero meron panahong pinagharian

Gusto kong mangibabaw sa ilalim
Kasama ang mga gintong legal kung minahin
Malabo na mabulag ako sa kikitain
Mas malawak ang imperyo pagsakop ang adhikain

Sana lang sana lang
Matyaga tong magsiga sa maski san
Paningasin
Sa maghapong nagsipag ay nasitang masigasig
Kasama ang kasikatang tatama rin sa nakararami

Ito ang aming imperyo
Ito ang aming imperyo
Ito ang aming imperyo
Ito ang aming imperyo

May bahid ng galit na pangmalawakan
At hari sa hari ang nagbabanggaan

Sa kalye nanggaling naapak-apakan
Masakit man laging mas nakakagana

Wag mapariwara marami rami ka mang ari arian na naisanla
Mangyaring gampanin na maibahagi ang yaman na satin at maipamana
Sa aming lakarin may naitala na't
Sakaling harangin ay balewala lang
Basta iba ka sa karamihan
Maligaw man sa Safari may pangil aba!

Parang mga animal na walang tanikala
May sanib sa lapis na aming dala
Isang maling galaw mo lang basa sa aking mata
Hindi mo dama na minamate ka na
Tangina ka kahit saan maikasa laging handa
Baguhan man o yung mga kilala
Pwede kang gulatin sa imperyo namin lahat bihasa


This post first appeared on OPM Songs | Latest OPM Songs, please read the originial post: here

Share the post

Imperyo by Nero x Apekz [Official Lyric Video]

×

Subscribe to Opm Songs | Latest Opm Songs

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×