Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Hoy Hiphop by Target ft. Klutch B. Of Chinese Mafia (Official Music Video)


HOY HIPHOP OFFICIAL MUSIC VIDEO

Performed by: TARGET ACHILLES AND BANONG BAGSEK
Lyrics by: TARGET ACHILLES except for KLUTCH B. VERSE
Beat produced by: FLIXXBEATS
Recorded at : The Factory Studio
Mixed and Mastered by: Joshua Berenguer AKA Rigtheous One
VISUAL BY: SEE THIS STUDIOS


"Hoy Hiphop" Lyrics:

Asintado sa mikropono
Target
Chinese Mafia
Banong Bagsik
Ghetto Dogs
Circulo Pugantes

Kukumustahin lang namin yung hiphop
Kukumustahin lang namin

Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi
Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi

Anong nangyare? Ang gulo sa sobrang dami
Parang may gera sa kalye sundalo kalat sa base
Iba iba ng klase Luzon to Tawi Tawi
Sa pagsali kase kase banatan na dati rati
Kanya kanyang diskarte, mapaluma o bagito
Pero una ng mali mo, kung respeto ay mamiso
Sa paglisan ni The King dumami nag ala Paquito
Ang hinain ay bulok na bandehado sa platito
Kulang na nga sa antas, lakas pang magmataas
Sa pigaan ng utak wala namang makakatas
Bat kailangan mag-angas magsi asta na alas
Kami yung pumasok sa loob kaya kayo may palabras
At madalas, hindi lang husay ang hinahangaan
Kundi yung paghakbang mo na walang ibang tinatapakan
Di na kailangan pang tibayan, basta may malinawan
Importante para sakin yung bakas kong iiwanan

Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi
Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi

Mga kosa kong DJ B-Boy grapista
Na tulad ko kung magmahal dito sadista
Sinagupa mga konyong pangkista
Na para bang na-bautismuhan ni Batista
Pinaglaban naming to pinaliwanag ang dilim
Sa himagsikan nanaig ngayon nandito pa rin
Mga ninunong nagtanim, ating palaguin
Dapat na alagaan at inyong patatagin
Natatandaan pa ba ang panahon
Kapag nagbilang konti pa kami non
Tinatanguan pag nagkasalubong
Ang katulad kong sa kulturang to bumaon
Kapatirang limitado ang miyembro
Galing iba’t ibang lugar dinikit parang Velcro
Terno parang dalawang aking iniidolo
Sina Chavit Singson at Bingbong Crisologo

Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi
Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi

Away away damay damay anong pakay sayang laway
Na inalay sa walang malay at nakahanay, mahahalay
Na awitin, paano pipilitin na pihitin
Sa dami ng alipin na sa media nakabatay
Labasan mga peke pataasan pa ng ihi
Ito ang gitnang daliri sa mga kantang kadiri
Puro lason yang napili nyong sa utak ilagay
Ang sarili’y pinatay mistulang nag hara-kiri
Pano mananaghili usaping toy di sa era
Hangad mo’y kasikatan ang hangad ko’y legasiya
Gegera pa, mali na! Mapapel na nagpabida
Nilagda sa kwaderno, mala L at mala Kira
At kilala daw sila makatang bumira
Tapang nagmaldita ng may sumisita
Akalang matindi ka? Parang may silbi ka
Unahing rumespeto aral ka ulit ng sibika

Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi
Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi

Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi
Hoy hiphop kamusta ka naman
Inyo bang nagustuhan ang nilakaran na daan
Hoy hiphop andito pa kami
Mayroon pang mga tunay pwede mong kakampi


This post first appeared on OPM Tambayan, please read the originial post: here

Share the post

Hoy Hiphop by Target ft. Klutch B. Of Chinese Mafia (Official Music Video)

×

Subscribe to Opm Tambayan

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×