Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

ALLMO$T ft. Yuri - Carousel Lyrics

Noon ay palaging nag-aalala kung nasan ka
‘Di mapakali kung may kasama kang iba
Napakalambing mo, napakamanhid mo
Ngayong lilisan na sa’yo ‘di ko kailangan ang katulad mo

Makinig ka sa’kin kahit ngayon lang
‘Di ako magsisisi na iwan ka
Kasi ilang beses na akong nagmukhang tanga
Sa kakasuyo sa iyo nawawalan na ako ng gana

At sa aking pag-alis sana iyong matiis
Ang kalungkutan na aking ibabalik sa’yo
Huwag kang mag-alala, ito ay mabilis at lilipas din
Pero ‘di ka na makakahanap ng katulad ko

Kung alam ko lang nung una pa
‘Di na sana kita niligawan pa
Gusto kong ibalik ang oras at Bawiin Ang Mga halik
Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako Babalik Kahit Gaano ka pa kasabik sa’kin
‘Di na… ‘di  na… hindi na…
Hindi na ako babalik

Dati ay napakatahimik at napakapayapa ng utak ko, wala pang iniisip
Pero mula nung mga paa ko ay nilapit sa’yo, tila ang puso’t leeg ko’y pinipilipit
Nung hinawakan ko mga kamay mo ay, naglaho ang lumbay, napakasaya
Mas nagkaroon pa ng pag-asa na mabuhay, kaso lang nung nawala ka ay parang panahon ko ay naaksaya
Naaalala ko pa non ayaw kitang pakawalan (Naaalala)
Ngunit ngayon ay di ka na rin kawalan (Hindi na)
Lahat ay ginawa ko na para sa’yo ngunit kung bakit ganito ikaw ang may kagagawan
Wag na wag (wag) mo ‘kong sisisihin, yung kababawan mo ay nagawan ko nang sisirin
Nalunod, halos ‘di na ako makahinga kaya sumuko, nung araw na ako’y iyong pilitin
Makipaghiwalay, ‘di ka natakot na mawalan habang ako ay halos mabaliw na
Alam mo? (Ano) Masyado na sakim ka!
Gusto mo kase ikaw lang ang mahalaga
‘Di mo ko sinusuyo kahit na galit na ko, kahit na kasalanan mo, ako yung argabyado
Masyado ka nang gago, maghanap ka na ng bago
Kase wala nang babalik sayo… Tapos na ko!

Kung alam ko lang nung una pa
‘Di na sana kita niligawan pa
Gusto kong ibalik ang oras at bawiin ang mga halik
Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik kahit gaano ka pa kasabik sa’kin
‘Di na… ‘di  na… hindi na…
Hindi na ako babalik

Alam mo na hindi ‘to madali
Bakit kailangan pang ipilit ang mali
Alam ko na hindi ito ang gusto mong mangyari
Pero bakit ba kailangan mo pa na magkunwari
Pwede mo naman sabihin sa’kin ng harapan
Kung ano ang tinatago, please gusto kong malaman
Handa ko na tanggapin kahit ako’y nahihirapan
Kahit na anong ipilit, ‘di pa rin maiiwasan
Ipikit aking mata, alam kong masaya ka sa iba
Ramdam ko na sa’yo may iba nang mahalaga
Isang patunay lang yan na kahit na ano man ang mangyari
Ay hindi ka talaga makukuntento sa isa
Alam mo ba? Binitawan ko lahat ng  mga meron ako ‘non
Para lang maibigay ang pag-ibig na walang kapantay
Kaso wala ka na ngayon (Yah!)

Kung alam ko lang nung una pa
‘Di na sana kita niligawan pa
Gusto kong ibalik ang oras at bawiin ang mga halik
Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik kahit gaano ka pa kasabik sa’kin
‘Di na… ‘di  na… hindi na…
Hindi na ako babalik

‘Di ko na matago ang bigat
Sa isang iglap, tila ay nagbago ang lahat
Onti-onting nawawala na parang ‘di mo nako maharap
Anong ginagawa mo magdamag?
Nawalan ka na ng oras na dating labis mong nabibigay
Parang wala nang darating na bukas
Pa sa’ting dalawa nung ako ay mapalapit
Sa’yo patuloy mo na nga kong tinangay
Hanggang sa dumating na ‘di na ko pinapatulog
Parehas na tayong nahihirapan na mahulog
Paulit-ulit kang tinatawagan naging busy ka masyado’t
‘Di mo na ko inantay para iyong makasalubong
Papano mo ko papaliwanagan
Kung mga dahilan mo’y sa iba ko malalaman
Masyado mo na nga kong pinaikot-ikot sa iyong kamay
Ngayon nagawa  mo pa kong maiputan
Wala kong panahon sa tulad mong sarili mo lamang kaligayahan ang pinagtutuunan
Matapos  mo kong mapakinabangan ay iiwan ng biglaan
Ayos lang sa akin ‘di ko naman na yun kasalanan
Ang kaso lang… hinayaan mo ang tao na handa kang mahalin
Pero di ka kawalan dahil nakakawalang gana ka na rin namang intindihin
Sayang!

Sa totoo lang ‘di ko na talaga maintindihan
Sa’yong pagbabago ba’t daw nagkakaganyan
Sarili mong ‘di palaban bakit ba?
Ginawa ko naman ang lahat pero tanging nagkalat
Relasyon nating ‘di tumagal
Ako’y nahihirapan, ginawa kong isuko ko na lang
Ako’y sumuko, kala mo’y magsisisi ako
‘Di ko na kailangan pa magmahal pwes! Lumayas ka sa tabi ko
Kaya… ‘di ko na kailangan pa… ng isang katulad mo…

Kung alam ko lang nung una pa
‘Di na sana kita niligawan pa
Gusto kong ibalik ang oras at bawiin ang mga halik
Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik kahit gaano ka pa kasabik sa’kin
‘Di na… ‘di  na… hindi na…
Hindi na ako babalik 



This post first appeared on Original Pinoy Lyrics, please read the originial post: here

Share the post

ALLMO$T ft. Yuri - Carousel Lyrics

×

Subscribe to Original Pinoy Lyrics

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×