Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Khalil Ramos - Maleta Lyrics

Sa Guwardiya’y naibilin na kita
Alas-singko y medya ay darating ka
Ang mga maleta ay nasa likod ng pintuan
Kunin mo lang ang sa’yo
Alam mo naman siguro kung ano ang sa’yo
Huwag mong galawin ang sa akin
Iwan mo’ng mga binigay mo sa ’kin

Iwan mo lang sa unan ang amoy
Ng ‘yong pagtataksil akin yan
Iwan mo lang ang pangakong dinurog
Ng puso mong suwail
At sa iyong pag-alis isasabit ko sa dingding
Ang mga alaala nang maamong mukha
Ng pag-ibig mong sinungaling

Iwan mo ang susi sa tukador
Isara ang pinto at huwag nang lilingon
Huwag mong piloting lumuha baka ‘di mo kaya
Mabigat ang maletang dala mo
Yan ang kabaong ng pag-ibig na pinatay mo
Sana ay kaya mong buhatin
Habang buhay mo yang bubuhatin

Tandaan mong maigi ang amoy ng iyong pagtataksil
Bitbitin mo ang pangakong dinurog ng puso mong suwail
At sa iyong pag-alis isasabit ko sa dingding
Ang mga alaala nang maamong mukha
Ng pag-ibig mong sinungaling

At kung magkita man tayong muli
Huwag mo akong babatiin



This post first appeared on Original Pinoy Lyrics, please read the originial post: here

Share the post

Khalil Ramos - Maleta Lyrics

×

Subscribe to Original Pinoy Lyrics

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×