Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Joshua at Julia, magkasintahan na?

Tags: siya joshua yung

MANILA - Tila nadulas ang ama ng aktor na si Joshua Garcia tungkol sa buhay pag-ibig ng anak.
Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, sinabi ni Gaudencia Garcia, ama ni Joshua, na bukas ang anak niya sa kanilang pamilya pagdating sa buhay pag-ibig.
Advertisement
"Hindi ko naman inaano si Joshua pagdating sa love life. Siya mismo yung nagkukuwento sa akin, siya yung nagsasabi na 'Papa darating yung girlfriend ko.' Sige kakain tayo sa labas. siya yung nagsasabi mismo," ani Gaudencio.
Nang tanungin ng host ng "Magandang Buhay" na si Melai Cantiveros, kung "latest" ba ang sinasabing girlfriend ni Mang Gaudencio eh naiba ang tono ng ama ng aktor.
"Si Ate niya yung nakausap niya," ani Gaudencio na nakatingin sa nakatatandang kapatid ni Joshua na si Renza.

Para saluhin ang kanyang ama at kapatid, ibinahagi ni Joshua na nakasama na ng kanyang pamilya sa isang dinner ang leading lady at rumored girlfriend nito na si Julia Barretto, leading lady niya sa pelikulang "Love You To The Stars And Back."
"Kumain kami sa labas para makakuwentuhan ni Juls yung family ko," ani Joshua.
"Noong dinner na yon mas ako pa yung kinakabahan kaysa siya, kasi siyempre imi-meet niya ang family ko," dagdag ng aktor.
Nang matanong naman kung ano ang masasabi nila kay Julia, sinabi ng ate ni Joshua na: "Mabait siya, sweet po siya at maganda." 
Pinapurihan din ng ama ng aktor si Julia, sa pagsasabing mabait ang aktres.
"Mabait, cowgirl nga siya, game siya sa lahat. Hindi siya yung tipong kaharap ang pamilya namin ay tahimik. Siya open siya, nakikipag-usap," ayon sa ama ni Joshua.
Sa huli, pinaalalahan si Joshua ng kanyang ama na maghinay-hinay lang pagdating naman sa pag-ibig.


This post first appeared on Techknowcab, please read the originial post: here

Share the post

Joshua at Julia, magkasintahan na?

×

Subscribe to Techknowcab

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×