Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Lit News: Moymoy Lulumboy Book 4 - "Mga Dulot ng Digmaan" Launched Today (September 16, 2017)

Ikinalulugod ko na naimbitahan ako sa book launching ng Moymoy Lulumboy book 4 ni Mr. Segundo Matias, Jr. o mas kilala sa tawag na Kuya Jun. Ang pamagat ng bago niyang libro ay Moymoy Lulumboy Book 4 - "Mga Dulot ng Digmaan". Ang librong ito ay kasunod ng nasabing serye.

Mag-aapat na taon na ang serye at malinaw naman na pang-apat ang "Mga Dulot ng Digmaan". Siyempre, hindi magiging matagumpay ang serye kung wala ang buong team na tumulong buuin ang nasabing aklat (larawan sa ibaba):

Team sa likod ng Moymoy Lulumboy







Nakaka-engganyo rin ang maikling dula na itinanghal kanina bilang primer o balik-alaala sa unang serye ng Moymoy Lulumboy. Dahil nakaka-engganyo ang ipinamalas ng mga nagtanghal, naitanong sa sumunod na Q&A kung isasapelikula ba ang Moymoy Lulumboy. Sinagot naman ito ng may-akda na pag-uusapan nila ang tungkol dito.


Moymoy Lulumboy Stage Play by PETA Theater group



Ang mga nagsipag-ganap sa maikling Stage Play ng Moymoy Lulumboy - PETA Theater group

Base sa Q&A mula

Sa mga mambabasa na nag-iisip rin kung hanggang saan matatapos ang sequel ng book na ito, marahil matatapos ito kapag malapit na maging Adult si Moymoy.

Habang nagpapa-sign ako kanina, tinanong ko si Kuya Jun kung may balak ba sila na maglimbag ng Hardcover format ng Moymoy Lulumboy dahil nagagandahan ako sa cover art ng libro. Pinag-uusapan pa nila ang tungkol dito.

Moymoy Lulumboy book 4 signed by Segundo Matias Jr.

Moymoy Lulumboy book 4 signed by Jomike Tejido

Literateknolohitura owner with Jomike Tejido

Literateknolohitura owner with Segundo Matias Jr.

Mabibili ang Moymoy Lulumboy Book 4 sa halagang 239.75 php. Sa ngayon, available pa lamang ito sa space ng Precious Pages sa Manila International Book Fair 2017, SMX Convention Center, Pasay City, Metro Manila. Magiging available na ito sa mga kilalang Book Shop sa susunod na mga araw.

Para sa karagdagang detalye, i-Like ang Lampara Books page sa Facebook: https://www.facebook.com/lamparabooks/

Online Shop kung saan maaari kayong makabili ng Moymoy Lulumboy books: https://www.preciousshop.com.ph/home/

Salamat!




This post first appeared on Literateknolohitura, please read the originial post: here

Share the post

Lit News: Moymoy Lulumboy Book 4 - "Mga Dulot ng Digmaan" Launched Today (September 16, 2017)

×

Subscribe to Literateknolohitura

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×