Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Paano Ba Ang Maging Si Superman?

Pangarap ko dati ay ganito
Pangarap ko dati ay ganoon
Subalit nag-iba ang lahat ng yun
Simula ng mauntog ako sayo

Napakinggan mo na ba ang kanta ni Carol Banawa
Na bakit di na lang totohanin ang lahat
Mukang hindi pa at ika'y nagbiro lang
Napasaya mo ko ngunit panandalian lang

Ginagawa ko naman ang lahat
Pero parang hindi pa rin sapat
Iniisip ko may iba kang hinahanap
Di lang naman tanghali ang tapat

Wala na s'yang paramdam?
Wala na s'yang pakialam?
Tanggapin mo na, ganyan talaga
Kapag di ka na mahalaga

Kahit na lumaban ka pa
Kung di ka na talaga gusto
Kahit ano pang gawin mo
Ang 100% mo'y kulang pa

Hindi nakakapagod ang magmahal
Ang nakakapagod yung maghintay
Na sagutin ang mga tanong ko
Bakit nga ba ito'y ipinagkait mo

Bakit may dumadating ngunit aalis din?
Bakit may makikilala ngunit lilimutin din?
Bakit may mapapalapit ngunit mapapalayo rin?
Parang yung bakit ko na di mo kayang sagutin

Pinakamasakit sa lahat
Yung akala mo importante ka
Importante ka in a sense na
Kontrabida ka o ekstra

Ang masakit pa nyan
Lumayo ka na nga
Pero di pa rin n'ya nakita
Ni namiss ang iyong presensya

Di pa nagkaroon ng kasintahan
Ni minsan sa aking buhay
Madalas pa nga na ako'y masaktan
Paano ba ang maging si Superman?

Personal Blogs - Blog Top Sites
Free WEB Hosting!



This post first appeared on My Inner Thoughts About Life... Of Life... In Life., please read the originial post: here

Share the post

Paano Ba Ang Maging Si Superman?

×

Subscribe to My Inner Thoughts About Life... Of Life... In Life.

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×