Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

CONGRACHOOLEISHYEONS!!!

Yey! Alam nyo, nagkaroon uli ako ng isang maganda at di malilimutang karanasan sa pagsali sa contest. Isa kc ako sa mga 2nd week winners ng Team Animazing Promo sa Gintama. Isa Lang ang masasabi ko. Napagaling talaga ni Lord. Grabe, kulit ko kasi , sabi ko gusto ko talaga manalo. Pero di naging madali ang pagsali ko. Ayon sa promo, paunahan nang sagot sa email. Noong mga panahon pa naman na yun eh malala na PC ko dahil restart ng restart. Nag-alala ako na baka habang nag-eemail ako eh biglang magshutdown. Naalala ko na ung Smart Buddy ay may text service na tinatawag na textmail kung saan pwede ka magsend ng email thru text. Hinagilap ko sa bag lahat ng Nokia Smart flyers at booklets, at sa awa ng Diyos nakita ko Yung nag-iisang listahan ng mga keywords. Ito ngayon ang ginamit ko. Di ba astig? Narealize ko kasi na kung umasa lang ako sa dial up internet connection at sira kong pc ay siguradong hindi ko maipapanalo yung promo. Di rin naman ako binigo ng Smart network dahil siguro wala na ngang mxadong nagamit ng server nila. Tapos di lang yun, talagang siniguro ko na may nakahanda akong mga taktika sa pagpapadala ng entry (haha! kinareer ba! ang adik noh?) Feeling ko nga nag-ala-Shikamaru ako dahil pinag-aralan ko ang mga posibleng pattern ng character appearance every week. Malaki talaga pasasalamat ko, dahil kundi sa nagtotopak kong pc ay siguro hindi ako isa sa makakauna. Ironic noh? Kakaiba talaga. God moves in mysterious ways! ^_^ Nakuha ko na ang price: Gintama t-shirt, team animazing poster, Soul Eater paperbag. (Sana nga may plushie, laki naman ng bag e, saka sana bagpack nalang hehe - demanding?! X_x) Actually ang papa ko ang nagclaim. Pumayag naman ang pamunuan basta magpadala lang daw ako ng valid ID. ^__^ Sakto nga lang kasi may isang araw na leave si papa nung week na iyon at may dinaanan din siya sa QC. Nung una di ko nga alam na Mon-Fri lang ang opisina ng ABSCBN. Buti nalang nagtanong ako sa text. Magaling talagang mag-timing si Lord. Di naman kasi ako pwede makapunta at di rin si papa basta-basta pwede umabsent sa office niya para lang dito. Si papa tuloy yung kinuhanan ng picture duon,hehe... ngek!

Nung mga panahon din na un, nanalo naman si Klang sa isang contest sa Hero TV. Nakakuha siya ng 3 tickets para sa premier ng The 4th Kind. Galing! Ininterview pa nga daw sila magkakapatid sa harap ng camera kaso ewan ko ba kung pinalabas na,ipapalabas pa lang o ayaw na nila ilabas (dahil disturbing daw yung video). Hahaha! Gusto ko nga makita eh kaso wala kami cable. Sana may youtube man lang.

Gusto ko rin pala icongratulate si Yoyo Tricker aka Joshua Davis sa pagkapanalo niya sa Talentadong Pinoy Battle of the Champions. Iba na image, sabi nga ni Joey de Leon "may angas na"! haha! (sana sa stage lang ung angas na yun) Sana kahit sikat ka na at milyonaryo pa, di mo malilimutan magpasalamat at tumanaw ng utang na loob sa Kanya. Grabe, pinagdasal ko pa sana wag lumaki ang ulo mo pagkatapos ng gabing iyon. Dami-dami pa naman fans mo at joke pa nila pagkakaguluhan ka raw ng maraming girls. Waaahhhh! Mag-ingat ka dahil maraming kakapit na demonyo sa iyo! Gabayan nawa ka ng kapatid mo... [Ehem, patay tayo, pag nabasa niya post ko. Pero tingin ko malabo yun kaya okei lang.] Hinahanap ko nga ung isang video eh, yung pinerform niya nung naguest siya sa Wildcard Night tapos Down pa yung tugtog. Mas gusto ko yun. Kainis! di ko makita eh. (Wala man lang ba nakapagrecord nun? Asarrr... wala akong gustong ipost dito na video kundi yun! >_
Anu pa bang mga nangyari... hmmm... eto nag-aadik uli ako sa panonood ng mga anime sa tv. Paborito ko ngayon ang Princess Resurrection at Soul Eater sa chan2, at D. Gray-man sa TV5. Coming soon na din yung Hitman Reborn Season 3. Mukhang maganda kaso di ko pa napapanood yung mga previous seasons, tsk sayang! About sa mafia wars pala yun, lalo tuloy akong nacurious lalo nang sikat sa facebook yung ganung laro at di naman ako nagjoin sa apps na yun.

Pagdating sa anime shows, TV5 pa rin talaga ang pinakamaganda magpalabas. Maayos kasi yung dubbing, di sila nagccut ng mga eksena, at kumpleto lagi ang opening at ending songs. Sa iba kasi minsan nag-iimbento nalang ng dialogue, may time na paiba-iba yung dubber, tapos halatang andaming tinanggal na scenes kaya minsan di maintindihan yung kwento at parang minadali. Para sa isang anime otaku, insulto yun. Pero siyempre ako wala naman akong magagawa kundi magtiyaga, since wala kaming cable eh.

Si Miranda Lotto, fave ko sa D.Gray-man. Actually sa una, mukha siyang clumsy 40-yr old woman - stressed, depressed at laging in panic mode. Kakatawa nga siya. Naalala ko tuloy yung ibang favorite kong characters na may mukhang panghorror din - sina Okami ng FruitsBasket (yung nanay ni Ritsu na may monkey zodiac) at si Sarah ng Prince Mackaroo - naalala ko kasi si Kayako sa kanila, haha! Pero pag nakalugay buhok ni Miranda, I find her really pretty. Naging favorite ko din si Allen Walker dahil sa kanyang cute, maamo at inosenteng hitsura, at mabait na ugali. (Oo na sige na, dahil sa niligtas niya ang mahal kong si Miranda... huhuhu... touch ako. T_T)

Old Miranda vs New Miranda (anlayo ng mga hitsura noh? Stresstabs lang yan)


Si Okami ng Fruits Basket (left) at Sarah ng Prince Mackaroo (right)


Kala ko girl si Yu Kanda (D. Gray-man) kasi hawig niya si Motoko (Love Hina).


Marami din akong mga katatapos na panoorin na dvd, as in matagal na matagal na pinahiram at nakatambak lang sa akin. Barbie as Island Princess, Full House, at saka Beavis and Butthead the Movie. Kelangan ko na nga din tapusin yung To Heart Season 1, nakakahiya na kasi sa may-ari, parang ilang years na ata nakatambay sa kin to eh. Tingin ko namimiss na nya ung vcd niya. Sori moja. X_x Btw, parang lang taeng naging tao nga yung sina Beavis and Butthead, ampapanget talaga ng hitsura (hehe ambababoy pa). Ani Beavis, "Im the Great Cornholio, I need TP for my bunghole..." Anong TP? Baboy, di ako yun! Sinearch ko, Toilet Paper ang ibig sabihin nun.

Happy ako kasi nag-uusap-usap na rin ang mga friends ko sina Klang, Joan, at Dianne sa forum. Then lately, may nagpakilala sa amin na mom ng isang lupus patient. Nakita niya kc ung article ko sa Soaring Butterfly. Hiningi pa nga nila ang number ko kay Robelle sa UST. I'm really happy God is able to use my articles to be able to reach out to my fellow collegues. Btw, nung isang araw pala dumalaw yung mga lolo ko, at natulog dito. Sabi nga ni Lolo Emer, nung bata ka "You squander your health in search for wealth", pero pag tumanda na "You squander your wealth in search for health." How true... Pero tingin ko sa maraming kabataan ngayon they squander their health and wealth at the same time. @_@



This post first appeared on Underneath The Endless Dome, please read the originial post: here

Share the post

CONGRACHOOLEISHYEONS!!!

×

Subscribe to Underneath The Endless Dome

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×