Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Insomnia

Bago ako Matulog, naka set na ang alarm ng cellphone ko sa 7:30 am. Ang sarap sanang matulog ng maaga sa kwartong malamig at madilim, ngunit di ko ito nagagawa. Alas dos y'medya na Kung ako ay matulog dahil sa napakaraming bagay.

1. From school, natutulog ako (5:30-7:00 minsan 7:00-8:30) kaya nawawala ang pagod ko sa katawan nakakapag pahimbing sa aking tulog.

2. While watching TV or while smoking, umiinom ako ng kape at nakakaubos ako ng 2-3 cups every night.
(Ewan addict na siguro ako)

3. Ang liit ng electric fan sa kwarto namin. apat pa kami sa kwarto na naghahati sa kakarampot ng hanging binubuga ng electricfan.

4. Nangangati talaga ang paa ko kapag hindi nakakalabas pag gabi. minsan, narerealize ko na gusto kung lumabas kung patay na ang ilaw sa kwarto.

5. Tama ba namang nag fifilm viewing ang mga roommates ko with out using any headphones para di na sila makapang bulahaw sa mga kasama nila sa kwarto. Ayaw ko namang manuod kasi Naruto naman ang pinapanood nila, buti sana kung porn.

6. Most of the time, di ko nararamdaman na nasa loob ako ng kwarto ko sa bandang ala una ng madaling araw. Feeling ko, nasa durian bar ako kung saan sikat ang mga scream-O bands dito sa davao. Grabe ang hilik ng room mate ko na adjacent sa bed ko. Ang kabilang kwarto naman na plywood lang ang pagitan, tila nag kokonsert sa lakas drum rolls ng kanyang hilik.

7. Recently, umandar ang asthma ng isa kung roommate, meron kaming nebulizer sa loob ng kwarto. Naawa ako sa kanya ngunit later on, naconvert ang aking awa sa inis. Ang sama kasi pakinggan ng pag hinga niya. parang may laway na nakabara sa ilong at lalamunan. grrr..........

8. Kapag gusto ko nang matulog, lumalabas na ang mga crazy ideas ko. mga imaginations na dapit lumalabas pag nagboblog ako. grabeh ang pag function ng utak ko pag gusto nang magpahinga ng mata ko.

9. Minsan, sa tuwing nakapikit na ako, meron akong naririnig na ewan ko ba kong ano. pero alam ko tiyan ko yon. nagugutom ko pag gabi. lalabas nanaman ako para bumili ng pagkain.

10. Di ako makatulog sa kaiisip ng mga bagay na gusto kong mapanaghinipan, mga bagay na sa tingin ko ay sa panaghinip ko lang makakamtan. Frustrated ako na mapanag hinipan ang mga bagay na yun. Naisip ko tuloy na kaya siguro ako nahuhuli sa klase dahil ayaw ko nang gumising. Dahil tuwing umaga, pare-pareho lang naman ang nangyayari. ayaw ko na, aywa ko nang magising...


This post first appeared on Sprakatakfrak, please read the originial post: here

Share the post

Insomnia

×

Subscribe to Sprakatakfrak

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×