Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Tamang Pagpili ng Ehersisyo Para sa Iyo

Ang uri ng ehersisyo na dapat mong ginagawa ay depende sa Kung ano ang gusto mong gawin. Halimbawa, kung ano ang ayaw mong magbayad ng buwanan sa gym pwede kang bumili ng kagamitang pang-ehersisyo na maari mong gamitin sa bahay.

Dahil kung pipiliin mo ang isang bagay na Hindi mo nais na gawin, hindi mo ito patuloy na gawin sa loob ng mahabang panahon. Kung hindi mo gusto ang pagdya-jogging, hindi ka gigising ng alas-6 ng umaga upang tumakbo. Kung hindi ka makahanap ang isang bagay na gusto mong gawin, pumili na lamang ng isang bagay na hindi mo mas kinaiinisan kumpara sa iba.

Kung ayaw mo mag-jogging, ang paglalakad ay isang mahusay na ehersisyo rin. Kahit sino ay maaaring magsimulang maglakad anumang oras at pwede taasan ang antas ng ehersisyong ito. Ang paglalakad ay napakaganda dahil hindi mahirap makahanap ng kasama sa paglalakad. At kung mayroon kang kasama, tiyak na mas magiging kaiga-igaya ang pag-eerhisyo mo.

Anuman ang ehersisyong pinili mo, dapat na magsimula ka muna sa mababang antas at dagdagan na lang ito sa loob ng isang linggo. Mahalaga sa gawin ang isang ehersiyo sa pangmatagalan. Kung sisimulan mo sa napakahirap na antas, maaari kang magkaroon ng isang pilay na mangangailangan ng mahabang oras upang magpagaling.

Kung ikaw ay medyo mataba, dapat mong simulan ang iyong ehersisyo sa paglalakad ng 10 minuto bawat araw. Pagkatapos, dagdagan ito ng limang minuto bawat dalawang linggo. Upang gawing mas kawili-wili ang iyong ehersisyo, subukang maglakad ng iba’t ibang lugar tuwing ilang araw. Maaari ka ring magsama ng iba’t ibang kaibigan sa bawat araw ng linggo.

Kung ang paglalakad ay hindi mo gusto, maaari kang sumubok na mag-gym. Mayroon silang iba’t ibang uri ng gamit pang-ehersisyo at may mga trainers din na pwedeng sagutin ang anumang mga katanungan mo tungkol sa pag-eehersisyo. Kung pipili ka ng gym na sasalihan, siguraduhin na nagbibigay sila ng mahusay na serbisyo para na rin sa kapakanan mo.

Kung hindi sila handa na asikasuhin kang mabuti bago ka sumali, tiyak na ganyan din sila pagtapos mong makabayad. Dapat mo ring tiyakin na ang mga kagamitan nila ay mahusay na inalagaan. Madaling lang naman ito malaman. Ang kailangan mo lang gawin ay makinig sa mga makina. Kung sila ay gumagawa ng ingay, malamang na hindi ito naaalagaan.

Kung hindi ka sigurado kung para sa iyo ang pagdyi-gym, subukang maghanap ng isports na para sayo. Pwede kang mag-basketball, volleyball, golf, o tennis. Sa pagsali sa sports, maari kang makakilala ng mga bagong kaibigang makakatulong sa iyong layunin mag-ehersisyo. Ang basketball, volleyball, at tennis ay maganda para sa mga taong sanay na magpapawis. Kung nagsisimula ka palang, golf ang maaaring pinakamagadandang aktibidad para sa iyo.

Paano at Saan Ka Dapat Mag-ehersisyo?

Ang pagsasagawa ng desisyon kung ano ang gagawin mo para mag-ehersisyo ay isang napakahalagang hakbang sa pag-abot ng iyong mga layunin. Maraming mga kadahilanan ang dapat isa-alang alang para sa desisyong ito at dapat na masuri ang bawat isa bago ka magsimulang mag-ehersisyo. At kapag nakagawa ka ng desisyon, saka mo na isipin ang iba pang detalye tungkol dito.

Ang pagbili ng mga gamit pang-ehersisyong magagamit mo sa iyong bahay ay may maraming pakinabang. At ang iyong budget ang pinakamakikinabang dito. Kung sa bahay ka lang mag-eehersisyo, makakatipid ka sa pamasahe papunta sa gym at sa mga isusuot mo sa araw-araw ng pagpunta mo dito. Ang mga pagiging miyembro ng isang gym ay medyo mahal. Maaari ring pagbayarin ka sa mga bagay na hindi mo naman kailagan katulad ng paggamit ng sauna room at pagsali sa iba’t ibang grupo tulad ng Zumba, yoga, at aerobics.

Hindi mo rin kailangang mag-alala tungkol sa mga bagong usong damit sa pag-eehersisyo na kung mag-ehersisyo ka lang naman sa bahay. Gayunpaman, may gagastusin ka pa rin kung mag-eehersisyo sa lang bahay. Kahit na gusto mo lang mag-jogging, napakahalaga na mayroon kang magandang kalidad na sapatos pangtakbo. Ganito rin dapat ang mga kagamitan mong pang-ehersisyo sa bahay. Kung bibili ka ng murang kagamitan, malamang na mapilayan ka o nasisiraan ng loob dahil wala kang nakikitang progreso.

Kung mag-eehersisyo ka sa bahay, hindi mo na kailangang mag-aalala tungkol sa kung ano ang kailangan mong suotin pagpunta sa gym dahil ang tanging tao na makakakita sa iyo ay ang mga kasama mo lang sa bahay. Hindi mo rin kailangang mag-alala tungkol sa oras. Kahit anong oras ay pwede kang mag-ehersisyo.

Ngunit may mga bagay din na mayroon sa gym na walang sa bahay. Kung mahilig kang makipaghalubilo tuwing nag-eehersisyo, gym ang para sa iyo. Mas marami ring kagamitang pagpipilian kung sa gym ka mag-eehersisyo.

Sa kabuuan, mayroong mga bagay na maidudulot sa iyo ang pag-gym at mayroon ding maidudulot sa iyo ang pag-eehersisyo sa bahay. Nasa kamay mo na ang desisyon. Ngunit ano man ang piliin mo, mas maganda pa ring may sarili kang kagamitan na magagamit sa bahay upang hindi mo na kailangang ipagpaliban kailan man ang pag-eehersisyo.

Kung kailangan mo ng kagamitang pang-ehersisyo, inirerekomenda naming ang Revoflex Xtreme. Isa itong napakagaling na kagamitang pang-ehersisyo na may iba’t ibang level at uri ng ehersisyong maari mong gawin. Napadali nitong gamitin sa loob ng bahay at maari din itong dalhin kahit saan, lalo na kung magbabakasyon ka ng matagal-tagal.

Mayroon din kaming Slim Abs at Ultimate Abs Stimulator na makakatulong naman sa pagtanggal ng taba sa iyong tyan. Maari mong gamitin ang alin man sa dalawang ito kasama ng Revoflex Xtreme para maging lubos ang pag-eehersisyo mo sa bahay. Mababanat ng Revoflex ang mga kalamanan mo habang tinutunaw ng Slim Abs at Ultimate Abs Stimulator ang mga taba na nakapalibot sa iyong baywang.

May iba pa kaming mga produktong makakatulong sa layunin mong magpapayat, tulad ng Green Coffee at 15 Days Diet Plan. Ang mga ito naman ay magandang isama sa iyong planong pagdidiyeta na siyang magandang kasabay ng iyong pag-eehersisyo. Sa pamamagitan ng paggamit lahat ng mga ito, mas madali mong mararating ang iyong mga layunin.

Tignan lamang ang aming mga produkto sa aming website na Healthy-PH.com at sa aming Facebook Page na TheHealthyPH. Kung mayroon kang tanong tungkol sa kahit alin sa aming produkto, makakausap mo kami direkta sa pamamagitan ng mga pahina na ito.



This post first appeared on How To Lose Weight In The Philippines, please read the originial post: here

Share the post

Tamang Pagpili ng Ehersisyo Para sa Iyo

×

Subscribe to How To Lose Weight In The Philippines

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×