Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Multi-level or "networking"

Ano ba ang Multilevel or "network" marketing plans? Well, isa syang way to sell goods or services through distributors. Typically, Etong Mga plans na to is promising you na pag nag sign up kayo as distributor, kikita kayo Nang commissions - sa mga benta ninyo at sa mga mahahakot mong bagong miembro na magiging distributors also. Etong mga recruits nato eh tinatawag na "downline" mo, kasi, nasa baba mo sya eh. Me mga ibang multilevel marketing plans dyan na legit. Pero, Yong iba ay mga illegal pyramid schemes. Sa pyramids, ang commissions ay base dun sa bawat mahakot mong bagong downline o distributors na ma-recruit mo. Yong mga productong binibenta mo are not really to consumer or madlang people, kundi sa mga distributors na na-recruit mo, ok? Etong mga goods na to eh posibling mga vitamina, arinola, kaya car leases o kaya ibos, ok? Etong mga productong to ang nagpapakunyaring legit ang scheme na to. Eh, kasi meron kang binebentang producto eh. Di ba? Arinola lang nga. Ngayon, risky po sumali sa mga pyramid na to. Ilang Pinoy na ang umiyak sa mga ganito at marami pa rin ang naloloko. Nalaman nyo ba nong mga ilang taon eh halos usong uso to? Do you know that there are still pyramids ngayon? I just went home last January 2005 and I learned one from a friend na tawa ako nang tawa!!! Susko! Matatalino talaga mga pinoy! Ha! Ha! Ha! Anyway, bakit risky? Kasi karamihan will lose money para bayaran ang kokonting members na nauna sayo. Karamihan nang kasali end up with nothing except yong arinolang ibenenta sa kanila na napilitan lang nilang bilhin. Get mo?

Ngayon, kung feel mong mag-join, aba - take time to learn kung ano ba tong planong to. Eto mga tanong na dapat na masagot:

  • Ano ba ang track record nang company?
  • Ano-anong arinola ba ang binebenta nila?
  • Nagbebenta din ba sila sa madlang publico?
  • Meron ba silang evidence to back up yong mga claims nila tungkol sa mga magic arinola nila?
  • How about yong price?
  • Competitive ba? Mura ba or mahal?
  • Yong product ba nila is appealing sa public? Baka pagtawanan lang yong product nila?
  • Magkano ba ang investment dito?
  • Meron bang monthly sales na kelangan mong abutin to earn a commission?
  • Required ka bang mag-recruit bago ka makapag-earn nang commission?
Be skeptical or wag basta-basta maniwala, o kaya, gumising ka Inday kapag sinabi sayo na if you buy yong start-up inventory nila tsaka yong sales literature nila, na merong commitment na dapat maka benta ka nang ganito, etc, eh yayaman ka na. Baka naman, kagatin mo kaagad ha? Karamihan dyan sa iba, they spend a lot of money sa pagbili nong mga kung ano anong training classes nila, plus bebentahan pa sila nang kung ano anong producto. Karamihan, eto lang ang nagiging investment nila. OK, Makinig ka. Kung talagang decided ka na maging distributor, legally responsible ka sa mga claims na pinag da-da-dakdak nang company mo (company mo na yon ano? Kasi distributor ka na!), kahit na binabasa mo lang yong literature nila, aba, responsabilidad mo na rin yon, anak. Ang law ay nag nag a-advise sayo to read the company brochure or advertising flyer, verify mo ang research tungkol sa product performance bago mo I-broadcast sa mundo. Tsaka, pag nag-recruit ka nang bagong downline, be honest at avoid making unrealistic promises, ok? Kasi, pag pumalpak yong mga promises na yon? Liable ka anak. So, eto ang pag-evaluate nang plan:
  • Kapag ang plans include earning commissions kapag nakarecruit ka nang additional distributors, Kandelarya, baka isang illegal pyramid yan.
  • Beware of plans na kelangan bumili nang expensive products o marketing materials yong mga bagong recruit. Kandelarya, pyramids in disguise yan, tita.
  • Mag-ingat sa mga claims na your money will grow nang tuloy tuloy based dun sa pag dami nang iyong downline, that is, yong number of distributors you recruit.
  • Mag-ingat sa tinatawag kong “magic arinola“. Eto yong mga miracle products that promise enormous earnings. Tanungin mo promoter na patunayan yong mga claims nya.
  • Mag-ingat sa mga references paid by a plan's promoter to lie about their earnings through the plan.
  • Don't pay or sign any contracts sa unang pagkikita o kaya pag pri-nessure ka. Sabihin mo, pag-iisipan ko muna to, or tatawagin ko muna lawyer ko o sawa ko o pitbahay ko or tanungin ko muna ang Reyna.
  • Check mo yong company sa DTI. Me reklamo ba sa company na to?

Tandaan, kahit na magic arinola pa ang binebenta mo, magpapapawis ka muna nang dugo atsaka datung para mag pay-off ang investment mo. Quick money? Quick ding nawawala yan anak.

For Overseas Filipino Workers (OFW) who are interested in learning how to start a business in the Philippines. This is your un-official business advice center.


This post first appeared on Www.ofwcenter.com, please read the originial post: here

Share the post

Multi-level or "networking"

×

Subscribe to Www.ofwcenter.com

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×