Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

"Nay, Saan ba ako nanggaling?"

Siguro bilang isang magulang ang isa sa mga pinakaka-iwasan at pinaka-ayaw na sagutin na tanong ay "Nay/Tay Saan ho ba ako nanggaling?" Kasabay ng paglaki at pagiging makulit ng isang bata ay ang pasulpot ng kanyang pagka-uhaw sa kaalaman tungkol sa mga bagay bagay na kanyang naoobserbahan dito sa mundong ibabaw. At ano pa nga ba ang unang-unang gusto nilang madiskubre Kung hindi ang misteryong bumabalot sa kanilang pinanggalingan.

Simpre ikaw na magulang mag-aalinlangan kang sagutin ng totoo ang bata. Para kang artista na ayaw aminin ang totoo sa mga tanong ni Boy Abunda. At alam naman natin na sa pagsagot sa kanilang mga tanong para ka na ring nagtayo ng pabrika nga mga tanong. Pag hindi ka naman sumagot, lalo ka lang tatanungin. Lose-lose situtation, ika nga.

Meron sa atin na sasabihin sa anak na "Ku, pagkabata-bata mo pa anong kalokohan na ang tinatanong mo diyan." Ang iba naman sasabihin siguro na "Kasi ang kami ng Tatay mo ay nagmamahalan, at ikaw ay nabuo sa love na yun." Uso din naman yung "Regalo ka ng Diyos sa amin" o kaya'y "Ikaw ay anghel sa langit na ipinagkalob ng Diyos." Sabay idudugtong ang "Kaya huwag kang malikot!" At ang paborito ko: "Galing ka sa tiyan ng Nanay mo."

Naalala ko noong bata pa ako, sabi ng mga luko-luko kong pinsan ko napulot lang daw ako sa tae ng kalabaw. Naisip ko naman, e di ang liit liit kong baby noon, kung hindi man e di pagkalaki-laking tae naman yun. Tapos na-isip ko pa kung paano kaya ako nilinis ng Nanay at Tatay ko. Umubra kaya ang safeguard at Johnson's baby shampoo with no tears o baka naman kailangan pa akong ilublob sa Lysol?

Dahil sa pagiging mahiyain kong bata, sa maniwala kayo at sa hindi, matagal bago ko naitanong sa Nanay at Tatay ko kung saan ako nanggaling. Ang sabi nila regalo daw ako ng Diyos sa kanila noong sila'y ikinasal. O di ba, Pang-Maalaala mo kaya.

Kayo, natanong na ba kayo ng mga anak ninyo kung saan sila nanggaling? Ano naman ang inyong isinagot? At sa mga walang pang tskiting na kagaya ko, game na ba kayo sa inyong isasagot? Ako hindi pa.



This post first appeared on *Buhay Kontrabida, please read the originial post: here

Share the post

"Nay, Saan ba ako nanggaling?"

×

Subscribe to *buhay Kontrabida

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×