Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Usapang Pusa

Hindi lingid sa inyong kaalaman na mahilig talaga ako sa Pusa.  Ewan ko ba, mas trip kong mag-alaga ng pusa kesa aso.  Although, gusto ko rin naman ng dog pero biased talaga ako pagdating sa mga pusa haha.  Kaya naman abot tenga ang ngiti  ko nung makita ko itong fb post ng Gamezhero tungkol sa mga iba't ibang gawi ng mga alaga nating pusa.  Allow me to share my thoughts about it.

Ang natatandaan ko, di uso sa amin ang litter box kung saan pwede mag-poo-poo ang mga Alaga Naming Pusa.  Kaya ang ending, mapanghi lagi ang mga sulok-sulok ng bahay Namin noon.  Eh nangungupahan lang kami ng apartment, kaya wala talagang malawak na space para sa dumi ng mga pusa.  Bad trip lagi ang nanay ko nun kase sya lagi ang taga-linis ng dumi lol Dati nga sinubsob pa niya yung nguso ng pusa namin sa poo-poo nito, para daw magtanda at di na ulit dumumi sa loob ng bahay.

So far, di naman choosy ang mga naging alaga naming pusa pagdating sa pagkain.  Kahit ano lang kinakain nila.  Yung the usual na tira-tira namin after a meal, sulit na yun sa kanila.  Di naman kami richie-rich para makabili ng cat food.

Based sa experience ko, di ko pa naman nararanasan ang makalmot sa mukha ng pusa habang natutulog.  Pero may naging pusa kami dati, white female cat siya na super sweet at tumatabi talaga sa higaan namin.  One time, nagising na lang ako kase dinidilaan nya yung tenga ko. Nakakakiliti yung magaspang nilang dila.

Haha relate much ako dito.  Halos mamuti na yung mga itim at iba pang dekolor na damit namin dahil sa balahibo ng pusa.  Natatandaan ko pa, pati yung slacks kong itim nung high school, ang dami laging nakadikit na balahibo.

Recently lang may nangyaring ganito sa pamilya ng kuya ko.  China-charge nila yung tablet nila sa taas ng tv, eh lumabas sila saglit.  Pagbalik nila ng asawa't anak nya, ayun nasa sahig na yung tablet, basag.  Sira na.  Ang salarin yung alaga nilang pusa.  Malapit kase sa may bintana nakapwesto yung tv.  Eh dun din dumadaan yung pusa nila, kaya ayun dedz ang tablet lol

Madalas namin gawin ito ng alaga kong pusa lalo na pag nag-ka-cat talk kami haha.  Pero hindi sa bintana.  Sa labas lang ng bahay namin dun malapit sa may gate.  Nakikinood din siya sa mga dumadaang tao sa kalsada.

Yung isang pusa namin dati, sa taas ng tv mahilig tumambay.  Eh ngayon di na niya pwedeng gawin yun, kase flat screen na ang mga tv.  Di na uso yung mga boob tubes.  Sa tuwing ginagamit ko itong laptop, di ko pinapalapit yung pusa namin.  Istorbo eh lol

Naku, gawain din ito ng pusa namin.  Kung hindi patay na daga, mga butiki, ibon, ipis pati palaka dinadala sa loob ng bahay.  Dati meron pa ngang tipaklong saka bulate.  Ang lakas ng trip ng pusa namin haha.

May isa pa nga akong memory sa isa sa mga naging alaga naming pusa dati.  Dun siya mismo nanganak sa higaan namin sa kwarto.  Eh wala kaming kamalay-malay na magkakapatid (tabi-tabi kasi kami noon sa isang room sa pagtulog) kaya nang paggising namin nung umaga, may isang dedz na kuting. Nadaganan ko yung isa.  Kawawa naman tsk!

All in all, siguro mga lagpas sa 15 na pusa na ang inalagaan ng buong pamilya namin simula noong bata pa ako.  Most of them, died of old age.  Sa ngayon, meron akong isang 8 years old na male cat at may bago kaming ampon na female cat.  She's currently pregnant :)

Ikaw mahilig ka ba sa pusa?
Meow!


This post first appeared on Fiel-kun's Thoughts, please read the originial post: here

Share the post

Usapang Pusa

×

Subscribe to Fiel-kun's Thoughts

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×