Get Even More Visitors To Your Blog, Upgrade To A Business Listing >>

Ignacio Dennis E. Roxas - Utang (Interpreted by Kuya Dennis) Lyrics

Alas-singko nang sumahod
Alas-sais lang tigbak na
Ang ‘sambuwang sinuweldo
Sa tindahan lang napunta
Bukas ang kakainin
Uutangin na naman
Muling mangangakong babayaran sa katapusan

Utang, utang ang kakainin bukas ay
Utang, utang walang ibang solusyon kundi
Utang, utang, utang, utang na naman

Panay na nga ang overtime ngunit kapos pa rin
Dahil sa baba ng pasahod at taas ng bilihin
Paano iba-budget, paano pagkakasiyahin
Ang sweldong kakarampot, kakatiting

Utang, utang ang kakainin bukas ay
Utang, utang walang ibang solusyon kundi
Utang, utang, utang, utang na naman

Dinagdagan nga ang sahod dinagdagan din ang pagod
Gusto’y ipagtrabaho pati oras ng pagtulog
Kulang ang pahinga ginagawa kang makina
Hindi magtatagal magpapantay mga paa

Utang, utang ang maiiwanan ay
Utang, utang dahil ang kabaong inutang
Utang, pati na ang libingan ay
Utang, utang, wala na bang solusyon kundi
Utang, utang, utang, utang na naman
Utang na naman, utang na naman
Utang na naman

Utang na naman



This post first appeared on Original Pinoy Lyrics, please read the originial post: here

Share the post

Ignacio Dennis E. Roxas - Utang (Interpreted by Kuya Dennis) Lyrics

×

Subscribe to Original Pinoy Lyrics

Get updates delivered right to your inbox!

Thank you for your subscription

×